Chapter 12: The Party 2

534 25 3
                                    

Tinitigan ko ng maige kung sila nga iyon pero nanlugmok lang ako ng mapagtantong sila talaga iyon arrggg. Akala ko BTS free ako ngayong araw, hindi palaaa T_T

Nakaupo sila sa pahabang mesa kasama ang kanilang staff. Mga naka formal suit habang chill na nakaupo. Kumaway lang naman sila sa audience.

Pinababa na kame ni Misty pagkatapos noon. Dumaretso agad ako sa mesa namin, umupo roon sabay buntong hininga ng malalim dahil sa kaba. Bakit ba lagi na lang akong ganto! Bwisit!

Nagtuloy ang party, sa hindi inaasahang pagkakataon ay may umakyat na naman sa stage. Napalingon ako doon at napansing lalaki ito na nakayuko kaya hindi ko mamukhaan.

Tumikhim na muna siya bago nagsalita.

"Miss me my employees?" bungad niya sabay tunghay ng ulo. Napatayo ako sa tuwa ng makitang si tito Ben iyon. Sa wakassss!

Umingay ang paligid ng mapagtanto ng lahat na ang kanilang Presidente iyon. Napangiti ako sa galak hihihi.

"Sandy!!! Si tito Ben!!!" sigaw ko sa kanya ng makitang hindi siya dito nakatingin. Sinundan ko ng tingin ang tinitignan niya at nainis matapos makita ang pinagkakatitigan niya, ang BTS lang pala tss.

"Sandy kapag ikaw naloka kaka BTS, hindi kita iuuwi sa Pinas" angil ko. Nginusuan niya lang ako.

"Hmmmp sama mo Shane" hindi ko na siya pinansin at nilingon na lang si tito Ben sa may stage, tapos ng sabihin ang speech niya. Napanguso tuloy ako, hindi ko napanood! Bwisit. Umupo na lang uli ako bago magsimulang mamapak.

"I am calling the candidates for the Mr. and Ms. Halloween of the night, may I call on Mr. Yakimoto! Come here on stage Mr. Tan..........." at kung sino-sino pang lalaki ang tinawag ng emcee. Hindi ko naman halos kilala kaya hinanap ko na lang si tito Ben, magmamano ako.

Tumayo ako para hanapin ng maayos si tito pero kasabay ng pagtayo ko ay ang pagtayo din ni Brylle habang nakatingin sakin. Tinaasan ko siya ng isang kilay.

"What?" ani ko. Hindi niya ako pinansan bagkus ay nagsimula na siyang maglakad. Sinundan ko siya ng tingin at napansing papunta siya sa stage. Nakita ko roon si Misty na nakangiting hinihintay si Brylle makaakyat. Namilog ang mata ko. Teka? Ibig sabihin isa siya sa candidate? Natawa ako sa naisip. Paano kaya siya rumampa? Hahahaha.

Naglakad na uli ako't hinanap si tito, nang mapansin ang kanyang pigura papunta sa mesa ng BTS ay  papatigil ako sa paglalakad. Hihintayin ko na lang si tito na dumaan sa harap ko, dito rin naman siya dadaan kapag natapos ng makipag kwentuhan.

Habng hinihintay siya ay nilibot ko muna ang mata ko sa paligid. Masyadong maganda ang pagkaka dark gray ng buong hall, nagko contrast siya sa okasyon namin ngayon which is Halloween. May tatlong malaking chandelier sa ceiling na medyo dim ang kulay dahil sa party lights. Maganda rin ang motif namin which is black and red na tumugma naman sa flooring nila na nagmukhang red carpet, masyado kaseng pula.

Napansing kong may dumaan sa harap ko at nakitang si tito Ben iyon kaya naman dali-dali akong tumakbo sa kanya at niyakap patalikod ng may ngiti sa labi.

Ramdam kong nagulat siya sa ginawa ko pero mas nagulat ako dahil sa papalapit na spotlight samin. Kumalas ako sa pagkakayakap dahil naramdaman kong may balak siyang humarap sakin. Inihanda ko ang braso ko para muling mayakap siya pero laking gulat ko ng pagharap niya ay hindi si tito Ben ang nasa harap ko. Shit! Nanlaki ang mata ko kasabay ng pagbilis ng puso ko. Oh fudge! Si Jungkook ang nayakap ko!

"What did you do?" mabagal ngunit nagtatakang tanong niya. Nangunot ang noo ko sa ekspresyon niya, nagsimulang manginig ang katawan ko at dahan-dahan namang nanlambot ang mga tuhod ko.

I've Fallen to a Bangtan?! COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon