Chapter 6: Picture

762 28 1
                                    

Goodmorning Korea!!!!!! Maganda ang gising ko ngayon dahil feeling ko bumalik ako sa aking luoang sinilangan pero ang totoo ay sa Pilipinas talaga ako pinanganak. Wala lang, namiss ko lang ang amoy, ang lamig at ang mga lugar dito.


Time check 8 AM palang, tumayo ako at ginawa ang morning routines ko. Nang matapos maligo at magbihis, inayos ko na muna ang hinigaan ko bago bumaba para mag agahan. Dumaan muna ako sa kwarto ni Sandy at kumatok doon.





Wala akong narinig na nagsalita, sakto naman na pagkapihit sa doorknob ay hindi ito nakalock kaya pumasok na ako ng walang paalam.

"Sandy?" bungad ko kaso nalibot ko na ang buong kwarto niya ay wala akong nakitang Sandy. Lumabas na lang ako ng kwarto niya bago tuluyang bumaba sa sala.


Pagbaba ay wala pa rin akong taong nakita, medyo kinikilabutan na ako pero ng may napansin akong maid ay pinigilan ko agad siya sa paglalakad bago tinanong.

"Miss, pwede magtanong?" tumingin lang siya sakin ng may pagtataka sa mukha. Nangunot ang noo ko.

"Ask her in english" Narinig kong ani ng kung sino. Sinundan ko ng tingin ang yabag ng paa at doon ko nakita si Brylle na kakababa langsa hagdan. Mukhang kakagising lang din.

"Yah I know, nakalimutan kong nasa Korea nga pala tayo." inirapan ko siya tsaka muling tumingin sa maid.

"Did you see a girl with a curly hair?" I ask. Tumango lang naman siya at may tinuro na daan. Tinanguan ko na lang din siya bago naglakad papunta sa tinuro niya. Para namang pipi yun, hindi man lang nagsalita psshh.

Naglakad ako ng naglakad habang hinahanap si Sandy, hindi ko napansin na nasa likod bahay na pala ako. Napansin ko kung gaano kalawak ang bakuran nila na may pool pa. Sa lamig ng panahon dito, imposibleng makapag swimming pa sila.


Naglakad na uli ako ng makitang may isang kubo sa sulok ng bakuran, sa pwesto ko ay may naririnig na akong matinis na boses. Hindi na ako nagdalawang isip na lumapit doon at bulabugin siya.

"HOY!!!"

"Ayyy palaka!! Ano ba Shane nanggugulat ka eh!!" hahampasin niya sana ako ng mabilis akong umilag.

"Paano ang aga-aga nakikipag chismisan ka dyan, sino ba yan?" takang tanong ko bago umupo sa katapat niyang upuan.

"Gaga si kuya to. Oh say hi to my bestfriend kuya para naman ganahan sa umaga" itinapat niya sakin ang phone at doon ay nakita ko ang kanyang kuya na nakikipag video call gamit ang messenger.

"Ah h-hi kuya Sander. Heheheh goodmorning" utal kong bati.

"Goodmorning din Shane, nagbreakfast kana ba?" tanong ni kuya Sander ng nakangiti.
Umiling ako. Pafall siya amp!

"Hindi pa nga kuya eh, hinanap ko kase tong kapatid mo. Itatanong ko sana kung nag breakfast na siya" tinignan ko si Sandy sabay irap.

"Oo naman yess, nagbreakfast na ako Shane. Kasabay ko si Toffer" sagot niya sa tanong ko atsaka binalik sa harap niya ang phone.

"Toffer hah, ang sweet sayo non. Tara samahan mo akong kumain" aya ko. Hindi naman siya nagdalawang isip na tumayo at lumabas ng kubo. Pinakita niya sa kuya niya kung gaano kalaki ang bahay.




Mahal na mahal siya ng kuya niya na kahit pagtae ni Sandy ay alam nito, ang weird man pero ang sweet. Nakakainggit lang, wala kase akong kapatid na lalaki, may ate man ako ay wala naman siya lagi sa tabi ko. Napabuntong hininga na lang tuloy ako sa naisip.

Nang makapasok sa dining area, nakita ko agad si Brylle na nagkakape habang nagbabasa ng dyaryo. Umupo kame sa katapat niyang upuan bago siya binati.

I've Fallen to a Bangtan?! COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon