Chapter 15: Clumsy Son

558 22 2
                                    

Lumipas ang isang linggo at monday na uli ngayon, nandito kame sa 15th floor. On time lahat ng staffs and interns dahil ngayong araw na gagawin ang Music Video ng BTS.





Sa lumipas na isang linggo kase ay todo kayod kame sa paggawa ng naglalakihang props nila. May due date din kayo iyon na before November 27 ay dapat tapos na ang mga props kaya heto't 'nong Sabado ay hindi kame lumabas sa kanya-kanya naming kwarto dahil sa pagod.






Tuwing kakain naman ay dinadalhan lang kame ng maids nila Brylle sa mismong kwarto namin. Sumakit ang braso, kamay, paa at binti ko nitong nakaraan kaya todo pahinga ako 'nong Sabado't Linggo. Mabuti naman at bumalik na agad ang sigla ko kaya heto maaga uli kameng nakapasok. Excited na makita kung paano gumawa ng MV. First time ko kaseng makakakita ng literal na behind the scene kung tatawagin, maswerte ako dahil isa ako 'don.




"Ok guys! We're gling to start now!! FIGHTING!!!" sigaw ng head staff ng Bighit pagkatapos ng mahabang habilin. Nagpalakpakan ang iba kaya gumaya ako.





Maya-maya ay dumating na ang BTS members kasama ang make-up artist nila. Inayos na ng team T ang mga props, inilagay nila iyon sa kanilang assigned place habang kameng team B naman ay naka standby muna sa ngayon. Etong si Sandy? Ayun hindi na mapakali kakatingin sa BTS, I think 2 weeks niya atang hindi nakita kaya todo titig siya ngayon.




"Grabe Shane. Parang dalawang linggo ko lang sila hindi nakita ah, pero tignan mo gumwapo sila lalo." bulong niya sakin sa kaliwa ko.


"Wala naman pinagbago Sandy" simpleng balik ko, inirapan niya ako dahil doon. Hahahaha pikon!




Nagsimula ang shooting at ang unang scene ay panglahatan. Sumasayaw sila sa iisang background tapos sasayaw uli sila sa panibagong background. Kada ibang background ay ibat-ibang props din ang nakalagay.





"OMG teka? Ibig sabihin, ako ang unang ARMY na makakakita sa comeback song nila?!? Kyahhhhhh" pigil niyang tili habang niyuyugyog ako. Mabilis akong lumayo sa kanya.

"Tumigil ka nga! Kapag tayo pinalabas dito, hindi mo lalo makikita ang BTS mo" iritable kong sabi. Tumigil din naman siya agad pero halatang lutang ang isip niya.
Bumuntong hininga na lang ako bago nanood.






Habang pinapanood sila ay kasabay noon ang paghanga ko sa pagiging talented nila individually. May kanya-kanya kase silang angas tuwing tinitignan ko sila isa-isa. Kaya siguro maraming nahuhumaling na fans ay dahil hindi lang excitement ang nararamdaman mnila kundi kilig rin. Maya-maya ay tinawag ang team B, which is kame.



"You should prepare now at the rooftop, we'll use that" ani samin ng head staff. Sumunod naman agad kame. Ang team B ang nagdala ng mga mabibigat na props habang sa mga babae naman yung minor props. Sumakay na nga kame ng elevator tsaka binaba ang mga dala sa rooftop.



"Hayyy akala ko mapapanood ko sila ng matagal" reklamo ni Sandy ng kameng dalawa lang ang matira sa rooftop.



"Ayusin mo na nga 'to, mukha kanang BTS" wala naman siyang nagawa kundi ayusin ang dala namin. Nakabalik na ang ibang staff dala ang naiwang props. Inayos na naman namin iyon sa kanilang assigned place.




Nang matapos kame ay umakyat na ang BTS members kasama ang director at yung iba pa. Sumayaw uli sila in a whole, kasabay ng ibang background ay nagpalit din sila ng suot.




Sa 10 hours naming pagshu shooting with 2 settings palang,  hindi mo man lang makikita na nahaggard ang BTS. LIKE GRABE? ANG UNFAIR!!! Ang gugwapo pa rin nila, ako na ang nagsasabi. Kameng interns at staff naman ay nakaantabay lang sa head staff kung may ipapagawa pa ba samin o wala na.






I've Fallen to a Bangtan?! COMPLETEDWhere stories live. Discover now