Chapter 42: Lover's Quarrel

506 20 26
                                    

SHANE'S POV

Walang nagawa si Sandy kung hindi ang kumanta HAHAHAHAHA. Chinicheer naman namin siya dito sa pwesto namin ni kuya Sander pero lalo lang siyang bumusangot, gusto na nga ata niya akong kainin ng buhay eh HAHAHHA.  Hindi pa alam ni Jungkook na crush ko ang kapatid ni Sandy pero nagbabalak akong sabihin na rin sa kanya mamaya. Gusto man ng BTS na doon na din kame makitable sa kanila ay hindi pwede baka magkaissue pa, nag-iingat lang.

"GO SANDY!!!!!" Sigaw ko uli habang kumakaway pa. Napapikit siya ng gawin ko iyon pero kahit anong sama ng looob niya ay  maganda pa rin ang boses niya. Magkatabi lang naman ang table namin sa table ng BTS kaya kahit papaano ay mababantayan at masisilip ko sila, kargo ko kase sila kapag dinumog ang mga yun hys.

Kakacheer ko kay Sandy ay hindi ko na napansing nalaglag na pala ang jacket na suot ko. Well iyon yung jacket ni Jungkook, binalik ko na sana kanina kaso pinatong naman niya sa balikat ko dahil masyado daw malamig sa labas kaya ayon nasa akin na uli siya.

Naramdaman kong biglang nagtaasan ang balahibo ko sa likod, offshoulder kase 'tong suot ko kaya naman malalamigan talaga ang likod ko. Kinapa ko yung jacket pero wala na sa likod ko shizz! Dali-dali akong tumayo at naghanap sa lapag pero ang napansin ko lang ay si kuya Sander na nakatayo sa likod ko.

"May kailangan ka kuya?" Agad kong tanong habang hinahanap yung jacket aist! Ang dilim pa naman dito tapos color black pa man din 'yon!. Nakatingin lang sakin si kuya at hindi man lang sinagot ang tanong ko kaya naman tumalikod na ako sa kanya saka hinanap sa ilalim ng upuan at mesa yung jacket.

Naramdaman ko na lang na may nagpatong ng kung ano  sa balikat ko. Hinawakan ko iyon at mabilis na napaharap kay kuya na nakangiti lang sakin ng inosente.

"Don't thank me, maupo kana uli." Aniya bago ako ipinaghila ng upuan. Shiiizzz bat ang gwapo ni kuya? Wahhhhhhh bad Shane! Pero kase crush ko lang naman siya hehehehe.

"Thank you kuya." Sinamaan niya lang ako ng tingin na medyo ikinatawa ko. Umupo na uli ako. Napansi ko pang pumasok si kuya sa mansion kaya naman itinuon ko na lang uli ang pansin kay Sandy.

"Hey Brylle!" Tawag ko sa kanya, tumingin lang naman siya sakin habang nakataas ang kilay.

"Nasan si Myung? Pupunta ba siya?" And yes! Inimbitahan ko siya para naman makapagpasalamat ako personally, sana nga lang ay makapunta siya.

"He's on his way now." Sagot niya bago pumalakpak, tapos na palang kumanta si Sandy. Natawa na lang ako ng lingunin ko siya, inirapan niya kase ako saka nakabusangot na nakinig sa emcee HAHAHAHAH. Tuloy yay nakipalakpak nalang ako kahit hindi niya nakikita.

Nagtuloy ang party at ngayon ay tinatawag na ng emcee ang kasali sa 18th gifts. Hindi pa naman ganun kagab, siguro ay lagpas 8PM palang. Nagpaalam muna kila Toffer pero bago umalis ay  hinabilin ko muna sa kanila ang BTS. Kukunin ko lang naman ang regalo ko kay Sandy na nasa kwarto, nakalimutan kong kunin kanina. Sinilip ko pa muna ang BTS na tutok na tutok sa stage, kaya hindi na ako nagpaalam pa kay Jungkook.

Pagkapasok sa kwarto ay nilagay ko sa isang paper bag ang album at necklace na regalo ko. Nasa loob naman ng dala kong pouch ang necklace na para kay Sofie at ang bracelet na para kay Kookie. Sana  ay magustuhan nilang tatlo. Pababa na ako ng hagdan ng makita ko si Brylle na papuntang sala, tinawag ko siya mabuti na lamang at lumingon agad.

"Sa'n ka pupunta?" Takang tanong ko.

"Myung is outside, he's already here." Napangiti ako sa narinig. Sa wakas! Makikita ko na si Myung!

"Sige sama ako." Sambit ko. Nauna na ako sa kanya palabas na mabilis naman niyang sinundan. 

Pagkalabas namin, may lalaking nakatalikod sa may gate mukhang siya na si Myung. Hinintay kong tawagin siya ni Brylle, nakakahiya naman kase kung ako ang tatawag, baka sabihin niya pa akong fc.

I've Fallen to a Bangtan?! COMPLETEDWhere stories live. Discover now