Chapter 26: DisneyLand

492 44 15
                                    

Goodmorning! Sa ganda ng gising ko ngayon parang gusto kong linisin itong buong kwarto namin. Ang sarap sa feeling yung nangyari kagabi, para bang nabunutan ako ng tinik sa puso. Mukhang eto yung epekto ng pag-uusap namin ni Jungkook. Kung ako ang tatanungin, masarap siyang kasama, ang gaan niyang kausap. Sa kanya mo mahahanap yung isang matured conversation na tinatawag, wala kaseng kwentang kausap si Sandy sa totoo lang. Kung hindi bubungangaan ay papagalitan niya ako hys.




Tumayo na ako para magbanat ng buto, kailangan maging maganda ang buong araw ko dahil sa magandang paggising ko. Hindi ko hahayaang masira ang mood ko ngayon.


"lalalalala..lalalalala" habang nagliligpit ako ay biglang may tumalon sa kama ko. Sinamaan ko ng tingin si Sandy pero binawi ko agad para hindi masira ang araw ko.


"Ganda ng gising natin ah, may pag-lalalalala ka pa dyan." asar niya, nginisian ko lang naman siya.



"Syempre, maliligo lang ako pagkatapos ay sabay na tayong bumaba." Umalis siya sa higaan ko, senyales para ayusin ko uli iyon pero laking gulat ko ng lapitan ako ni Sandy bago  hawakan ang leeg ko.



"May sakit ka ba Shane? O may sirang pagkain ka lang na nakain?" kinunutan ko siya ng noo. Sa lahat ba naman sirang pagkain pa? Tss.


"Gaga, maganda lang ang mood ko, ok? Kaya kung ako sayo wag mo na lang sirain...." Pagkatapos kong ligpitin ang hinigaan ay kinuha ko na ang bag ko tsaka naglakad papuntang banyo.


"Mag-ayos kana rin para pagkatapos ko deretso na tayo sa baba." dagdag ko.



"Bilisan mo, may ikukwento ka pa sakin." pagkatapos ng huling sinabi niya ay pumasok na ako ng tuluyan sa banyo.


Ikukwento? Ahhhh. Natawa ako sa naisip. Hindi ko pa nga pala nai-kukwento sa kanya yung nangyari kagabi. Sorbang antok ko na kase talaga kaya ayun pagkatapos kameng ihatid ng magpinsang Brylle at Toffer ay hindi na ako nagdalawang isip na ibagsak ang katawan sa kama. Pero bago pa man ako tuluyang makatulog ay lumapit pa muna sakin si Sandy at pilit na ipinapakwento ang nangyari, kaso tumanggi ako. Sinabi ko sa kanyang bukas na lang dahil antok na talaga ako. At pinaalala ko pa sa kanya na bawal ako magpuyat kaya no choice ang bruha, kundi ang patulugin ako at hintayin ang kinabukasan hayyy.



Ilang minuto lang ay natapos na akong maligo, lumabas na ako ng banyo at inayos ang sarili ko. Napansin kong may kausap sa cellphone si Sandy kaya hindi ko na siya pinakialaman. Iniladlad ko ang buhok ko tsaka iyon sinuklay, hinayaan ko lang na matuyo sa ganoong posisyon. Hindi kase ako nagboblower, sabi ko nga sa inyo wala akong kaekekan sa katawan, yung kaibigan ko lang.



"Shane tumawag si Archie, gagala daw tayo ngayong araw! OMG!. Dalhin daw ang mahahalagang gamit, tulad ng wallet at phone. Wahhh! Excited na 'ko OMO." excited nga niyang paliwanag. Ganun na nga ang nangyari, nag-ayos na kame ni Sandy ng dadalhin. Kung siya ay may pashoulder bag, ako naman ay tamang camera, phone at wallet lang ang dala.

I've Fallen to a Bangtan?! COMPLETEDWhere stories live. Discover now