Chapter 25: Sleepy

491 24 20
                                    

Napaharap ako sa kanya sabay kunot noo. Yung kantang yun. Parang narinig ko na iyon pero hindi ko maalala. Pamilyar siya sakin pero-------nanlaki ang mata ko ng bumalik sakin yung panahong kinakanta ito ni Adrian.

Nasa gitna kame ng bonfire at titig na titig siya sakin habang naggigitara.

Napangiti ako nang ngitian niya ako aa gitna ng pagkanta. Kasama namin ang buong pamilya't kaibigan namin ngunit sa kanya lang nakatutok ang paningin ko. Para bang wala kameng kasama at kameng dalawa lang ang naroon.

Nagsimulang mawala ang mga ngiti sa labi ko nang dahan-dahang maglaho sa paningin ko si Adrian. Itinaas ko ang kamay ko para haplusin siya pero huli na dahil nawala na siya ng parang bula.



Nabalik lang ako sa reyalidad ng makarinig ng boses ng kung sino. Napatingin ako sa stage at si Jungkook na ang nakita ko.

Mabilis kong naibaba ang kamay ko at lihim na itinago iyon. Namamangha ko na lang tinignan si Jungkook dahil hindi ko inaasahan ang pinili niyang kanta.

(Lost Stars- You can play it in multimedia above or search niyo sa YT, JK's cover hihihi)

Oh oh yeah
Please don't see just a boy caught up in dreams and fantasies
Please see me reaching out for someone I can't see
Take my hand let's see where we wake up tomorrow
Best laid plans sometimes are just a one night stand
I'd be damned Cupid's demanding back his arrow
So let's get drunk on our tears and

Sa simula ng kanta ay ipinikit na agad niya ang mga mata niya. Masyado niyang dinadamdam yung song kaya lalong gumaganda iyon. Napaka breathy ng boses niya, yung tipong hihinga pa lang kilala mo na agad.

Nakatayo lang ako dito habang may hawak na wine. Hindi na naisipang bumalik sa pwesto namin kanina dahil mas gusto kong panoorin si Jungkook mula dito sa kinatatayuan ko. Ilang metro lang din naman ang layo ko sa kanya ngunit nasa pinaka gitna ako ng hall.

Hindi ko alam pero dapat nasasaktan ako ngayon dahil nga may memories kame nung song pero hindi. Hindi ako nasasaktan bagkus ay nasasayahan pa ako ng marinig uli iyon.

God, tell us the reason youth is wasted on the young
It's hunting season and the lambs are on the run
Searching for meaning
But are we all lost stars, trying to light up the dark?

Para akong tanga ditong nakangiti habang nanonood. Aakalain nila akong baliw kung hindi nila ako kilala pero ang lakas lang kase ng epekto sakin nung kanta, lalo pa at mag-isa na lang ako ngayon na nasasaktan.

Kung kanina ay masaya ang nararamdaman ko, habang nagpapatuloy ang kanta ay doon ko palang nararamdaman ang lungkot at sakit. Akala ko wala na sakin ito kahit kantahin pa man ng kung sino pero panandalian lang pala.

Who are we? Just a speck of dust within the galaxy?
Woe is me, if we're not careful turns into reality
Don't you dare let our best memories bring you sorrow
Yesterday I saw a lion kiss a deer
Turn the page maybe we'll find a brand new ending
Where we're dancing in our tears and.....

Ilang saglit pa ay hindi ko namalayang may tumulo na palang luha sa mata ko. Mabilis ko iyong pinunasan ngunit natawa lang ako ng sumunod-sunod na ang tulo no'n.

Agad kong kinagat ang labi ko, iniiwasang humikbi sa gitna ng katahimikan ng lahat. Ayokong madagdagan ang kahihiyan ko kaya naman itinungo ko na lang ang ulo ko.

Eto ang favorite song ni Adrian. Kapag may problema kameng dalawa, kakanta niya lang ako and then boom..... Bati na uli kame.

Ganoon din kapag malungkot ako o umiiyak. Kahit saan kame magpunta, sa mall man o sa birthday party, kinakanta niya 'to sakin kahit walang dahilan.

I've Fallen to a Bangtan?! COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon