Chapter 3

33K 955 151
                                    

Nakasimangot na sumakay ako sa kotse nito ng pagbuksan ako nito ng pinto. Pinagmasdan ko naman ang pag ikot nito sa kabilang side. Hindi ko maiwasan na i-compliment pa rin ito sa aking isip kahit na sinasagad talaga nito pasensya ko today.

Hindi na ako nito pinansin ng makapasok siya sa loob ng kotse niya at tinanong lang ako kung ready na ba ako. Nang masigurado na maayos na ay agad niyang pinasibat ang kotse papunta ng university.

Hindi katulad ng kagabi ay iba na ang kotse nito. Hindi ko mawari kung anong kotse nito dahil wala naman akong alam sa mga kotse. But there's one thing I could say; it's so cool. Ngayon, nagtataka na talaga ako kung gaano kataas ang sweldo nito. Parang gusto ko na lang talaga mag professor.

Katahimikan lang naman ang namayani sa amin sa loob. Ayaw ko naman magsalita dahil nakakahiya na rin tapos siya naman ay hindi nagsasalita so mabuti na lang talaga huwag na lang kami mag usap.

Maya maya ay tumikhin ito, "Have you eaten?"

"Hmm." mahina kong tugon dito. Napatingin naman siya sa akin saglit bago muling ibalik sa daan ang tingin. Kumain ako kanina habang nasa mall. Fast food nga lang since ayon 'yung malapit kanina.

"What did you eat?"

"Hmm..." inaantok na ako. Ang ganda kasi tingnan ng mga puno sa labas tapos tapat ka pa ng aircon. Napuyat din kasi ako kagabi kakabasa ng books kaya kaunti lang ang naitulog ko kagabi.

Narinig ko ang paghinga ng malalim na katabi ko pero ipinagsawalang bahala ko na lang iyon.

"What time are you out later?"

"Hmm—"

"Do you like me?"

"Hmm— What? No! As if!" Gulat kong singhal sa kaniya dahil sa biglaang tanong. Muntik na akong magsinungaling.

"That's what you get for not listening to me," monotone ang boses ng sabihin niya iyon kaya natahimik ako.

"So..." tumingin ako sa kaniya, "Care to answer?"

"Ano bang tanong mo?"

"If you have a crush on me?"

"Wala." Mabilis kong saad na nagpasimangot dito. Umirap ito sa akin at binilisan ang pagpapatakbo ng sasakyan. "Oi, teka lang naman."

She looked at me bago bagalan ang pagpapatakbo. Nakahinga naman ako ng maluwag sa ginawa nito. Akala ko e mamamatay na ako ng maaga e.

"I asked earlier, what time is your last class." Tanong nito kaya napatango tango ako bago siya sagutin.

"3pm 'yung tapos niya." Sagot ko bago siya tingnan, "Why po?"

"Nothing." Blankong saad niya hanggang sa makarating na kami sa parking lot ng Eastwood. Nagpasalamat naman agad ako sa kaniya bago bumaba at nauna ng pumasok sa university. Ma-issue pa kami pagpasok namin ng sabay.

Nang makarating ako sa quadrangle, nakita ko na may pinagkakaguluhan ang mga estudyante doon sa lugar na iyon. Na-curious ako ngunit isinawalang bahala ko nalang ito at pipihit na sana papunta sa room ng may tumawag sa akin.

"Adira! God, help us here!" Sigaw ng isang pamilyar na boses. Kumunot ang aking noo sa narinig bago matigilan.

Ate Sid? Kuya Tyson?

Gagawa nila dito?

Gulat man na nandito sila ay pinuntahan ko ang mga ito para hindi pinagkaguluhan. Actually, these two are graduating college students here in Eastwood. Although same kami ng college na pinapasukan, they took MedTech instead of Biology. Same sila ng kapatid niya actually, na si Soleil.

Splintered Heart (Eastwood University Series #1) ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon