Chapter 47

24.4K 598 215
                                    

"For the nth time, Ate Sid, I said I can't come---"

"And for the nth time, Adira, you also need to take a break!" Sabi ng kakapasok lang na si Ate Sid at pabagsak na umupo sa sofa, "Goodness, lagi ka na lang nakatutok diyan sa trabaho mo."

Dagdag nito at tumingin sa akin na para bang pagod na pagod na sa kakasabi sa akin na sumama sa kanila but, I don't care. May trabaho akong kailangan gawin.

"Ate, please..." Tanong ko ang tingin pa rin ay sa ginagawa.

I heard her sigh, "I will take a day off to spend time with you. You're doing too much work." Nagrereklamo na saad nito at tumingin sa akin ng may frustration na makikita sa mata.

"You know I have a job to do, Ate. They have great expectations of me and I don't wanna disappoint them," saad ko sa malumanay na boses at napabuntong hininga.

I am now the director of my Dad's hospital starting two years ago after I graduated medicine in New York. I spent my days in New York working my ass off to get that degree and now that I accomplished it, sumabak agad ako sa trabaho.

Thanks to Pops who helped me throughout my journey to become a doctor. No one knows how thankful I am to that man, I can't even explain it.

Maraming paghihirap at pagsubok ang naranasan ko habang nandoon. Minsan ay walang tulog, walang kain dahil sa pag-aaral kaya labis na lamang ang pamamayat ko na dahilan ng minsan ay hindi sa akin pagkilala ng aking Lolo. They even commented how thin I am but I didn't mind them and just did my thing to achieve my dreams to be a doctor.

Katulad ng sinabi ko kanina, si Lolo lang ang naging kasama ko habang nag-aaral ako doon. Bukod kay Lolo ay wala na.

Nang makaapak kasi ako sa New York ay nawalan na ako ng contact sa mga pinsan at kaibigan ko pero bumalik naman agad ng makabalik ako ng Pilipinas. Nawala kasi ang aking cellphone or should I say naiwan ko sa eroplano ang cellphone ko kaya nawalan ako ng contact sa kanila. Hindi ko rin naman maalala ang mga number nila kaya wala akong naging communications sa kanila.

Before going to New York ay nag stay pa ako ng ilang araw matapos ang karumal-dumal na pangyayari noong graduation day namin. I leave this country with a heavy heart as I don't have an idea if she's still breathing or not.

Maraming tanong ang nasa aking isip habang nandoon ako. Halos mabaliw ako sa kakaisip noon. Sakit, galit at pangungulila ang aking nararamdaman noong bago pa lang ako makaapak ng ibang bansa. Frustration dahil kung kailan pa kailangan ang cellphone ay tsaka pa nawala!

"Hey, Adira! Are you still there?!"

Gulat akong napatalon sa aking kinauupuan ng marinig ang malakas na boses ni Soleil na ngayon ay nasa harap ko na.

Napahawak naman ako sa aking sentido at napabuntong hininga, "I'm not coming to that party of yours, Ate Sid. Isa na naman ba 'tong sa mga pakulo ni Dione?" Labas sa ilong na saad ko at bumalik na sa kaninang ginagawa. 

Simula talaga ng bumalik si Dione, puro pag aaya ang ginagawa sa amin noon. Parang walang trabaho si gaga.

"It's not my party! It's my daughter's! She misses you!" Sabi nito bago muling umupo, "My princess misses you, Adi." Dagdag nito at tumingin ng mataman sa akin.

I sighed and thought before looking at my phone to see the date. Right, it's going to be her daughter's birthday tomorrow and yet I still don't have a gift for that cutie. I missed that girl but I still have lots of work to do. I just can't leave my work!

"I don't know, Ate." I said and massaged my temples in distress, "I'll try to come," sabi ko at napangiwi.

Right, it's also her death anniversary tomorrow. Maybe I will just cancel all my work and plans for tomorrow and go to my niece's birthday.

Splintered Heart (Eastwood University Series #1) ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon