Chapter 17

23K 790 233
                                    

Nagbabasa ako ngayon ng libro na binili ko lang last week dahil dinadagsa talaga ng mga tao ito noon sa bookstore. Binili ko lang siya kasi nakita ko na maraming nabili noon ng libro na ito that day kaya bumili din ako. Fortunately, maganda 'yung story and it's my type of plot.

Ito 'yung ginagawa kong distraction these days sa dami kong iniisip. Buti na lang wala pa ako doon sa nakakastress na part. Baka lalo akong ma-stress, susme.

Speaking of stress, nandito ako ngayon sa aking higaan ng maalala ko na naman ang nangyari noong Friday ng gabi. Napapikit ako ng mag flashback ang mga nagawa ko noon.

Ang dami ko nang sinubukan na gawin ngayong araw pero tuwing naalala ko ang ginawa ko ay nawawalan ako ng gana. Isang beses nga ay nag alala na si Manang dahil daw bigla nalang ako mapapatigil sa pagkain at namumula habang nakakuyom ang mga kamao.

Paano ba naman kasi? Hindi ko maiwasang isipin ang ginawa ko kay Miss Aspen.

Paano kung galit 'yon? Baka ibagsak ako. Wag naman sana. Bawiin ko nalang, chos!

Nagulat ako ng may biglang bumukas ng aking pintuan. Nang makita ko na si Soleil ang pumasok ay agad ko itong binato ng libro na binabasa ko.

"Aray! Hoy masakit 'yon ah!" asar na saad nito habang hinihimas ang braso.

"Malamang! Alangan naman masarapan ka pa pag tinamaan ka ng libro sa braso!" Inis kong sigaw dito at sinamaan agad ng tingin. Bigla bigla nalang kasi papasok.

"Bakit ba ang init ng ulo mo? Sunday ngayon, bawal mainit ulo." saad nito at umupo sa aking higaan. Ano naman kinalaman ng araw sa ulo ko, nyeta.

"Bakit ka nandito?" Tanong ko habang inaayos ang gamit.

"Pinapunta ako ni Manang dito, wala ka daw kasi sa sarili simula pa kahapon. Ano ba ang nangyari sa 'yo? Na-reject ka na?" Nang-aasar na tanong nito habang nakangiti.

Parang lalo lang ata nag init ang aking ulo sa sinabi nito kaya muli ko itong inambahan ng mas makapal na libro sa kanina na agad naman nagpapitlag dito.

"Tigilan mo 'ko, Soleil Maeve ha?! Nag-iinit ulo ko, 'wag ka ng dumagdag!" Inis kong saad dito at humiga sa aking higaan.

"Ang init naman ng ulo mo!" Kamot ulong saad nito habang nakakunot ang noo. Umupo ito sa aking higaan at tinitigan ako ng matagal kaya napalobo ako ng pisngi.

"Ano nga kasing problema mo?" Hindi na nang-aasar na tanong nito sa akin kumbaga, malumanay na ang boses nito ngayon.

Napabuntong hininga ako. Sasabihin ko ba? Pagtatawanan lang ako nito e.

I looked at Soleil and saw the anticipation in her eyes, waiting for my answer. I groaned and buried my face on the pillow.

"I kissed her..." Sobrang hina na sagot ko, na pati ang butiki ay mahihiya sa sobrang hina.

"Ano?" Pag uulit nito na may kasamang inis.

"I kissed her." Medyo may kalakasan na saad ko at lalong kinulong ang mukha sa unan. Memories from that night started to come back, just what the hell!?

"Anak ng tupa, lakasan mo!"

"I said I kissed her! Goddammit!" Sigaw ko sabay lagay ng ulo sa unan at doon sumigaw ng sobrang lakas.

Matapos kong sumigaw ay tumingin ako kay Soleil na tahimik lang habang nanlalaki ang mata.

"Seryoso, hinalikan mo?" Tanong nito kaya namumula akong tumango at napayuko.

"Anong reaction niya?" Tanong muli nito habang nakatingin pa rin sa akin na para bang tinubuan pa ako ng isang ulo.

"I didn't see it..." Mahina kong saad.

Splintered Heart (Eastwood University Series #1) ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon