Chapter 13

25.7K 841 490
                                    


Tumunog ang aking cellphone na nasa lamesa ng pinagtatambayan kong coffee shop na kaninang pinuntahan namin ni Dione. Nagutom ako kaya dumiretso muna ako dito pagkatapos ng aking klase para kumain saglit.

Nakita ko na unregistered number ang tumatawag kaya nag hesitate ako na sagutin ito. Sa huli ay sinagot ko pa rin dahil baka may emergency na nangyari.

"Hello?"

[Where are you?]

Lamig palang ng boses nito ay siya nang nagpapagulo nito sa aking sistema. Kinakabahan man ay sinagot ko pa rin ito.

"Nasa coffee shop po ako sa may uni---"

[I told you to wait for me at the office, Adira.]

Mukhang galit na naman ito kaya napakagat ako ng aking labi bago mapayuko at paglaruan ang daliri. I sighed. Mannerisms ko na ata 'yon pag kinakabahan.

"I'm sorry." She sighed after hearing what I said.

[You don't have to say sorry, Adira. Just wait for me there?]

"Okay." I mumbled. She must be mad at me right now. Nagugutom lang naman kasi ako at hindi na kinakaya ng tiyan ko!

[Stop pouting. I'm not mad, Adira. I can see you from here.] She huskily chuckles that made my face turn into crimson. Nilibot ko ang aking tingin at napansin na wala naman siya sa paligid. Paano niya nalaman na naka-pout ako?

"I'm not pouting!" Sabi ko dito while my eyebrows are knitted together. Wala na akong narinig na nagsalita kaya kunot noo kong tiningnan ang aking cellphone. Hindi pa naman patay ang linya kaya nagsalita ulit ako.

"Miss?" Narinig ko nalang na putol na ang linya kaya taka kong tiningnan ang aking cellphone. Anyare dun?

"See, you're pouting." Isang salita sa aking likuran ang nagpagulat sa akin at biglang lumingon duon. Tiningnan ko ito ng masama.

"Ang hilig niyong gulatin ako... and I'm not pouting!" Pagpupumilit ko dito at bahagyang napanguso ng tumawa lang ito. Napailing nalang si Miss Ferruci at niyaya na ako sa labas.

"Let's go." Pag aaya nito kaya agad akong tumayo at sumunod dito.

Sumabay na ako dito sa paglalakad. Dumating kami sa kaniyang kotse and as usual, pinagbuksan niya na naman ako. Pumasok na din ito at sinuot ang kaniyang seatbelt.

"Saan po tayo pupunta?" Tanong ko dito when she started the car engine.

"Have you eaten? Perhaps, are you satisfied with what you eat earlier?" Tanong nito habang nilalabas niya ang kaniyang kotse sa parking lot. Umiling ako sa tanong nito kaya napatingin ito sa akin.

"Okay, what do you want to eat?" Tanong nito habang sa harap ang tingin dahil nagsisimula na itong mag drive.

"Kahit ano, Miss." Kibit balikat kong saad dahil okay lang naman sa akin ang kung ano 'wag lang sitaw.

"There is no such food as kahit ano, Adira." She blankly said while driving ngunit nakita ko na may sumilay na ngisi dito kaya napairap ako bago umiwas ng tingin dito.

"What I mean is kayo na po bahala na pumili ng makakain." Sagot ko pero blangko lang ang tingin niya.

"I told you not to roll your eyes on me." She said in monotone. I bit my lower lip at what she said.

"I'm sorry." I said not really meaning it, still looking outside.

"You know, Adira, you don't need to say sorry everytime." She mumbled, still her eyes on the road. Napatingin nalang ako dito at nagtanong ulit.

Splintered Heart (Eastwood University Series #1) ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon