Chapter 21

28.4K 833 162
                                    

It's six o'clock in the morning, and still, I'm in my bed doing nothing. Tinatamad pa akong bumangon para mag-ayos para pumunta sa school. Nine o'clock pa naman ang pasok ko kaya, okay lang.

I sighed and thought of what happened last night. After nitong sabihin ang lahat sa akin ay pinatulog na ako nito at umuwi na sa kanila. Dahil sa pagod at mahabang pag-iyak ay nakatulog din ako bago ito makaalis.

I still remember the words that she said last night.

"Don't you ever think that you don't deserve me, it's up to me to decide whom I deserve," sabi nito habang nakangiti ng matamis sa akin. Napatango ako sa sinabi nito at pinunasan ang aking mga luha na walang tigil sa pagbuhos.

"Stop crying na." Nakangiti nitong saad at ginulo ang aking buhok. Sinamaan ko ito ng tingin ngunit tinawanan lang ako nito.

Maya maya ay tumigil na ito sa pagtawa at tumingin sa akin ng seryoso ngunit may maliit na ngiti pa rin sa labi. Lumapit ito sa akin at kinabig ako papunta sa kaniya kaya napayakap ako dito. Pinulupot naman nito ang kaniyang mga braso sa akin. She sighs.

"God, I'm so happy right now," sabi nito at tumingin sa akin ng nakayuko habang ako naman ay nakatingala sa kaniya. Ngumiti ito ng malawak. Hinawakan nito ang aking ulo at inilagay ito sa kaniyang dibdib. I can hear her loud beating heart against her rib cage kaya napangiti ako.

"So, what will happen now?" Tanong ko, nasa kaniyang dibdib pa rin ang aking ulo. She sighed at nilayo ang sarili sa akin habang hawak pa rin ang aking likod. Tumingin ito sa akin ng nakangiti.

"We wait 'til you graduate," saad nito ng natatawa ng makita na unti unting sumimangot ang aking mukha sa sinabi nito. I pout and look up to her.

"Why not now?"

"Someone's eager to be with me." Natatawang sabi nito sa akin. Sumimangot naman ako dito at napanguso. Ang lakas niya mang-asar!

"Seriously, Adira. I want us to take it slow and also..." She gave me a genuine smile before tucking a strand of my hair behind my ear, na nakaharang sa aking mukha. "I want to court you first."

Namula naman ako sa sinabi nito kaya nilagay ko ang aking mukha sa dibdib muli nito kaya muli itong naglabas ng mahinang tawa sa aking ginagawa ngayon.

"I want to prove and show you... that I am devoted only to you." Tinanggal ko ang pagkakayakap sa kaniya at tinitigan ko ito. I can't help but to be lost in her green eyes.

Inabot niya ang dalawang kong kamay na nasa magkabila kong gilid at hinaplos iyon, "I just want you to promise me that... please don't get tired at me."

"I just want you to have a normal life in college while I court you, not just hiding to be with me." Mahina nitong dagdag at inangat ang aking tingin gamit ang dalawa niyang kamay.

"Though, I'm really not afraid to show you to the world after this," she paused and smiled at me, "I'm afraid how it will affect you. You are a Tuazon. Adira. Everyone has their eyes on your family and I, being your professor, will not help if I show you to everyone."

Pagkasabi niya noon ay bumalik ang pangamba sa aking dibdib. Lumayo ako dito at napayuko.

"R-Right... I did not think about that— I'm sorry."

"Hey, hey. You don't need to worry about that, okay?" sabi nito at hinawakan ang dalawang kong braso ngunit hindi pa rin nawawala ang aking kaba sa dibdib. This is exactly what I'm worried about.

"Do you understand what I'm concerned about, Adira?"

Hindi pa naman nangyayari ang kinakatakutan ko pero nandoon na agad ang kaba at pangamba dahil career niya ang nakasalalay dito. I don't want her to quit her profession just to be with me.

Splintered Heart (Eastwood University Series #1) ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon