Chapter 30

21.2K 541 184
                                    

Excited kaming magkakapatid na tinatahak ang papuntang hospital. Si Kuya Carlo na muna ang nag aasikaso sa funeral ni Mom dahil nag offer naman ito na siya muna ang magbantay doon.

As for Ms. Aspen, umuwi din agad ito dahil may aasikasuhin pa daw ito regarding sa nangyaring exam so sumabay na muna ako kila Kuya on the way sa hospital.

Ilang minuto lang ay nakarating na kami sa hospital. Excited akong bumaba sa tuwa dahil finally, gising na si Dad. Lumingon ako kila Ate Belle at nakita din na ganito ang mga itsura ng mga ito kaya lalo akong napangiti.

Nauna silang maglakad kaya sumunod na lamang ako. Pagkapasok namin ay agad kaming sinalubong ng nurse at hinatid sa room kung nasaan si Dad.

Habang naglalakad ay napansin ko na medyo gloomy ang surrounding ng ospital kaya nagtataka ako. Anong nangyayari?

Tumingin ako sa aking mga kapatid at mukhang napansin din nila ito kaya ngumiti ang mga ito sa akin. I sighed. Ayoko na ng bad news, please.

Nakarating na kami sa kwarto ni Dad kaya napabuga ako ng hangin to calm myself. Tumingin naman si Kuya sa akin, checking if I'm okay. He smiled at me. "You ready?" Tumango ako sa tanong nito at ngumiti.

Binuksan na nito ang pinto ng kwarto and there, I saw my Dad. Hindi siya masigla, still have tubes around him and eyes can't barely open. Is he really awake?

Napansin siguro nito na may dumating kaya bumaling sa aming direksyon ang ulo nito. Maliit na ngumiti lamang ito at tinawag kami.

"My children..." Mahinang saad nito habang pinapalapit kami sa kaniya gamit ang kamay.

Isa isang lumapit sila Kuya at hinalikan sa pisngi si Dad. Nang matapos ay bumaling na sa akin si Dad so I gather my courage to get close to him. I let out a shaky breath when he smiled at me.

"My princess... come here." Saad nito kaya naluluhang lumapit ako at sinunggaban ito ng yakap. Humikbi ako ng haplusin nito ang aking likod para patahanin ako so I sobbed more.

"Shh. Stop crying."

"I'm sorry, Dad. I'm really sorry." Naluhang saad ko at inangat na ang tingin dito. He just smiled at me and shake his head.

"Ako ang dapat mag-sorry sayo, Adira..." Mahinang saad nito at umubo ng kaunti. "You're right. I should've tell you sooner," sabi nito kaya umiling lang ako dito at ngumiti.

"It's fine, Dad. At least you're okay now. That's all that matters," sabi ko at muli itong niyakap. Tinapik nito ang aking balikat kaya umalis ako sa pagkakayakap nito at umupo sa tabi ni Ate Belle. Dad smiled.

"Adira..." biglang tawag sa akin nito. Ngumiti naman ako sa kaniya, "About your parents..."

Nagulat ako ng banggitin nito ang dahilan kung bakit ko sila hindi kinausap ng ilang araw. Pinalapit ako nito kaya naman lumuhod ako sa sahig para hawakan ang kamay nitong inaabot ang akin.

"Y-Your mother's n-name is Sabrina... she's a famous actress in her days and your f-father..." pinatigil ko ito sa pagsasalita dahil mukhang nahihirapan ito. My tears unconsciously fell due to many emotions.

"He is Ephraim Alexander Mauricio..." ngumiti ito sa akin ng maliit, "My best friend." Nabahala kaming tatlo ng bigla itong umubo. Hirap na hirap na siya habang kinakausap ako.

"Dad... stop talking and have a rest, may t-time ka pa para diyan—"

"The things and everything you want to know, it's in my office. M-Malalaman mo lahat doon, Adira." Hinawakan nito ang aking pisngi para punasan ang luha na na landas sa aking pisngi.

"I'm very sorry that I have to keep it from you, Adi. I just don't want to hurt you... and you're right, nasaktan ka pa rin. That's why me and your mother we're very sorry."

Splintered Heart (Eastwood University Series #1) ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon