Chapter 15

24.1K 839 360
                                    

After kong maka-alis doon sa office ni Miss Aspen ay dumiretso ako sa cafeteria kung nasaan sila Dione. Pabagsak akong umupo doon habang nakasimangot ang mukha at nilagay ang paper bag sa lamesa na may laman na pagkain na para dapat kay Ms. Aspen.

Ugh! Naiinis pa rin ako.

"O? Anong nangyari sa 'yo?" Takang tanong ni Dione habang may nginunguya na burger. Kahit kailan ay napaka-baluga ng babaeng 'to!

"Ano ba naman 'yan, Dione! Ayusin mo nga pagkain!" Inis na saad ni Kale at ibinato ang tissue kay Dione. Napairap naman ang isa at bumaling ulit sa akin habang nagpupunas ng bibig.

"Ano nga nangyari sayo? Bakit ka nakasimangot?" Muling tanong nito ngunit umiling lang ako at nilagay ang ulo sa lamesa habang nakanguso. Hindi na sana ako nag abala na bilhan ito pero kasi inunahan ako ng pag-aalala kaya ganun ang nangyari. Napabuntong hininga ako.

"Ano 'yang nasa paper bag na dala mo?" Tanong ni Kale. Inangat ko ang aking ulo sa pagkakalagay sa lamesa at binalingan si Kale para sagutin ang tanong nito.

"Ah—"

"Adira!"

Rinig kong tawag sa akin nila Freyja, na ngayon ay papunta na sa aming lamesa. Papunta sila sa aming pwesto at agad na nginitian ang aking dalawang kaibigan.

"Pwede maki-upo?" Tanong nito. Tiningnan ko naman ang dalawa at nakita tumango ito. Umupo naman sa aking tabi si Jake at Freyja habang si Ace ay katabi nila Dione.

Nakita ko na walang dalang pagkain si Jake. Nakita ko na tumayo ito siguro para kumuha ng pagkain ngunit may nagsalita sa aming likod.

"Can we sit here?" Sabi ng isang malamig na boses na alam kong sa kaninang kausap ko.

Lumingon ako dito at nakita na kasama pa rin nito si Serena na abot langit pa rin ang ngiti. Tiningnan ko si Miss na nakatingin din sa akin kaya inirapan ko ito. Ewan ko sa kaniya!

Tumayo si Jake ngunit hinawakan ko ito sa braso at nginitian ng matamis. Nagtataka itong tumingin sa akin.

"May ipapakuha ka?" Tanong nito kaya umiling ako at ngumiti ulit ng malawak dito, 'yung para bang hindi na makikita ang aking mata sa sobrang lawak.

"Kukuha ka ng pagkain?" Sa halip ay tanong ko dito kaya tumango ito. Inabot ko sa kaniya ang paper bag na para sana kay Miss Aspen.

"Here. In-order ko kanina, hati nalang tayo," sabi ko dito at ngumiti pa. Nakita ko itong nag-aalangan kaya pinisil ko ang pagkakahawak ko dito at nilakihan pa ng mata ito. Makuha ka sa tingin, Jake!

Kumunot muna ang noo nito bago tumingin sa pwesto ni Miss Aspen at tumango-tango pa. Bumalik ito sa kaniyang pwesto at ngumiti ng nakakaloko. Lumapit ito sa aking tenga at may ibinulong na nagpamula sa aking mukha.

"We will talk after this," bulong nito at ngumisi. Napayuko ako sa kahihiyan bago iiwas ang tingin sa mga binibigay na tingin ng nasa tapat ko.

You're busted, Adi!

Umiling ito at kinuha ang paper bag. Napalingon ako sa aking harap at napatalon sa kinauupuan ng may kumalabog doon. Nakita ko doon si Miss Aspen na masama ang tingin sa amin at napakahigpit ng hawak sa kaniyang water bottle, halos mapisa na ang bote kaya napangiwi ako.

Yikes! Kawawang bote.

"Let's eat!" Pag-agaw ng pansin sa amin ni Dione. Halatang nararamdaman din ang hindi magandang mood ng kasama naming professor kaya tumango kami at nagsimula na kumain.

Tahimik lang namin kinakain ang mga in-order. Kahit si Dione na mas malakas pa ang boses sa microphone ay tahimik din. Mukha kasing bad mood pa rin ang professor na kasama namin kaya walang naimik.

Splintered Heart (Eastwood University Series #1) ✔️Where stories live. Discover now