Chapter 39

17.5K 509 82
                                    

"Oh, you're home?"

Nagulat ako ng bumungad sa akin ang boses ni Pops, na ngayon ay nanonood ng TV. He's with Lola and they're watching their favorite show. Napangiti ako sa nakita.

"It's still early. Classes are suspended?" Muling tanong ni Lolo at bumaling na sa akin. Ngumiti ako ng pilit dito at umiling.

"Uhm, no. I-I'm kind of s-sick," nauutal kong sagot at yumuko habang nilalaro ang mga daliri.

Kakauwi ko lang matapos ang nangyaring announcement kanina sa university at 'yung nangyaring pag-uusap, more like sigawan namin ni Aspen kanina.

Muli na naman nanubig ang aking mata ng maalala ang mga nangyari. Parang last week lang ay ang saya ko and now, para akong pinag bagsakan ng langit at lupa.

"Did something happen, apo?" Nagulat na lang ako ng makita na nasa harap ko na ngayon si Lolo habang hawak ang aking ulo.

Walang malay na tumulo na lang ang aking luha at umiling iling bago yakapin ito ng mahigpit. This is what I need right now.

Ramdam ko naman ang pagtapik nito sa aking balikat habang alo-alo ang aking ulo. I continue to sobbed until I calm down.

Nang ako'y kumalma ay umalis ako sa yakap nito at agad na pinunasan ang luha na tumulo sa aking pisngi. Tumawa ako ng pilit ng humarap sa mga ito.

"I'm sorry for ruining your shirt," natatawa kong saad habang nakatingin dito. Umiling lang naman ito while his lips are pursed at muli akong niyakap.

"Want to tell us what happened?" Marahan na tanong nito kaya tumango ako. Iginiya naman nila ako sa sofa, sa harap ng TV at doon pinaupo.

Nakatingin lang naman sila sa akin habang may mga pag-aalala na makikita sa mata, naghihintay lang na magsabi ako. Nagpalabas ako ng kinakabahan na hangin sa bibig at umupo ng tuwid. Tumikhim ako at tumingin sa kanila ng kinakabahan.

"She's engaged," mahina kong saad at tumungo. They just looked at me, waiting for context. I gulped before continuing.

"The woman I like, love rather, is already engaged," sabi ko bago iangat ang tingin sa mga ito naluluha na bago bahagya pa akong natawa ng nakita na nakanganga lamang sila habang nakatingin sa akin. Medyo kinakabahan pa din naman ako sa sasabihin nila.

Maya maya ay nagulat ako ng inilahad ni Lola ang kamay kay Lolo habang nakatingin pa rin sa akin. My eyes widen Lola uttered something.

"I want my 20 dollars now, Andres," sabi nito kaya naguguluhan na nagbubukas-sarado ang aking bibig habang nakatingin sa kanila.

Lalo akong naguluhan ng napapalatak si Lolo bago tumingin ng masama kay Lola.

What the hell?

"We bet only 10 dollars, Araceli." Sabi ni Lolo ng naiinis. What bet?

Napahilot ako ng sentido habang nakapikit at pinigilan sila sa pagsasalita dahil nagsisimula na silang mag-bangayan na parang mga bata.

"W-Wait. What bet?" Naguguluhan kong tanong at lito silang tiningnan. Ibinaling naman nila ang tingin sa akin bago muling samaan ng tingin ang isa't isa.

"We bet 10 dollars if you're going to marry a woman or not last week and this woman wins," masama ang tingin kay Lola na saad ni Lolo kaya lalo akong napanganga at napapikit sa inis.

"W-What? You made a bet? And I'm not going to marry someone right now! What are you saying!?" I blabber ng naguguluhan na may kasamang inis. Bumaling naman sila sa akin ng natatawa bago humagalpak na ng tuluyan sa tawa.

Lalo lang naman akong nainis at binato na sila ng unan since magkatabi naman sila sa sofa.

"Ano ba?"

Splintered Heart (Eastwood University Series #1) ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon