Chapter 16

24.5K 880 222
                                    

Pumasok ako ng lutang sa university, iniisip pa rin ang huling kataga na sinabi ni Jake bago kami maghiwalay kagabi.

'Just try, Adira. Take the risk, it might be worth it.'

Napapikit ako sa aking naisip. Kagabi pa ako ginugulo ng mga sinabi ni Jake kaya kulang ang aking tulog.

Now that I know that I like her, what's the next move? I can't just tell her I like her. Also, imposible din na may gusto siya sa akin, malaki pa nga ata galit noon sa akin.

Napabuntong hininga ako. I don't know what to do. Patuloy lang ako sa aking paglalakad habang nakayuko. Kulang na kulang ang aking tulog. Tatlong oras lang ata naging tulog ko considering na nag aral pa ako ng ilang oras para mawala lang sa isip ko 'yung mga sinabi ni Jake kagabi.

Hindi ko namalayan na may nakabunguan na ako sa sobra kong pagkalutang.

"I'm sor—"

"Adira, hey!"

Si Soleil lang pala na may misteryoso na nakakatakot na ngiti sa labi. Nakangiting aso kasi siya, na akala mo ay may nagawa siyang napakaganda at ikakasaya niya ng sobra. At anong ginagawa niya doon sa office ng SSC?

Lumabas kasi ito doon at sakto rin na nakangiti siya ng pagkalaki laki e halos impyerno nga ang nararamdaman ko tuwing papasok ako diyan.

"Ginagawa mo diyan, Soleil, ha?" Nakapamewang kong saad dito habang nakaturo sa pintuan ng SSC. Nakita ko na natigilan ito bago ngumiti ng alanganin.

"Pumunta sa office ng c-council?" Pilit ang ngiti nito at tumawa ng awkward. Okaay? And what did she do?

"And?"

"May tinanong lang." Nagkibit balikat ito bago ngumiti sa akin ng matamis. Nagdududa ko itong tiningnan kaya magsasalita na sana ako para tanungin ito ulit ng unahan na ako nito.

"Anyways, Adi." Pag-iwas nito sa usapan namin. "How are you? Balita ko tutugtog ka na daw?" Taas baba ang kilay nito habang sinasabi ito sa akin. Napairap ako. Napakabilis din ng balita ngayon, akala ko ay hindi pa alam ng iba na tutugtog ako. Tsaka, pinaalala niya pa e isa pa nga 'yung dahilan kung bakit ako kinakabahan ngayon papuntang university.

"Ano naman?" Taas kilay kong usal kaya napasimangot ito.

"Ang taray mo ngayon!" Nakasimangot nitong saad pero napairap lang ulit ako.

"Bakit nga? Tsaka, paano mo nalaman?" Tanong ko dito pero nagkibit balikat lang siya, na para bang napaka obvious ng sagot sa mga tanong ko.

Ngumiti ito sa akin, "Wala lang! Nonood ako ha?" Sabi nito at maglalakad na sana palayo ng pigilan ko ito.

I need to ask her about something. Mas marami naman siguro 'tong alam kaysa kay Dione. Mas worse nga lang reactions nito, geez.

"Wait lang, Soleil." Taka itong tumingin sa akin. I'm contemplating kung magtatanong ako dito e sakit sa ulo 'to sumagot minsan.

"I— Ahm, can I ask a question?" Tanong ko dito habang hinihimas ang batok sa hiya. Ngumiti naman ito, indicating na pwede ako magtanong dito kaya sinabi ko na ang nagpapagulo sa aking isipan.

"Have you ever like s-someone?" Pagkatapos ko itong sabihin ay ngumiti ito ng nang aasar kaya napairap ako. Magsasalita na sana ito ng maunahan ko na agad ito.

"No funny business, Soleil!" Nanlalaki ang mata na saad ko dito kaya tumawa na lang ito at umiling. This is why I don't like asking this human! Bago pa siya magbigay ng advice ay aasarin niya muna ako ng todo, inis lang!

"Okay, okay. You like someone, e?" Nakangiti nitong saad. Yumuko ako at pinaglaruan ang mga daliri. Tumango ako sa tanong nito bilang sagot.

"Is it bothering you?" Napaangat ang aking tingin sa sinabi nito. Nakita ko ang concern sa mga mata nito kaya napakagat labi ako.

Splintered Heart (Eastwood University Series #1) ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon