Chapter 36

22.5K 531 126
                                    

Inaayos na namin ngayon ang mga gamit namin pati na rin ang mga pinamili dahil bukas ay uuwi na kami. Sabado na kasi ngayon at kailangan namin ng magpahinga bago kami pumasok sa Lunes.

Ako lang ngayon ang nasa kwarto dahil si Miss ay hindi naman nagdala ng sariling gamit aside from herself at ang kaniyang kotse. Bahay niya naman ito kaya may mga damit na rin siya dito.

She is currently doing a phone call or something outside ata kaya hindi na muna ako nagpatulong. Isa pa, mukhang bad trip din ito nung lumabas at nung sinagot niya iyon kaya napagdesisyonan ko na huwag na muna siyang gambalain.

Habang nagtitiklop ng aking mga damit ay may narinig akong katok sa aking kwarto kaya napa buntong hininga ako. Ayoko talaga ng naiistorbo habang may ginagawa. Napapatigil kasi ako at maya maya at tatamarin na hanggang sa hindi ko na siya magawa. Ganun ang nangyayari lagi.

Gayunpaman, binuksan ko ang pinto at bumungad sa akin ang mukha ni Dione kasama ang dalawa kong kapatid na kambal. Nakangisi lang naman si Dione habang may dalang pagkain bago dire-diretso ang pagpasok sa kwarto.

"Papasok ah!" Sigaw nito sa loob. Napairap naman ako sa kawalan dahil sa sinabi nito. Tsaka niya lang naisipan magpaalam kung kailan nakapasok na siya.

"Yeah, sure," labas sa ilong kong saad at binalingan sila Kuya, "Why are you here?" Tanong ko at pinapasok sila.

"I'm just checking if you're done packing your things," sagot ni Kuya Caleb at umupo sa sofa. Ganon din naman si Ate Belle kaya tumabi ako kay Dione sa kama at kumuha ng kinakain nitong pagkain.

Pinandilatan ko ito ng mata nang makita na magrereklamo pa siya bago ko ito irapan. Kahit kailan napakadamot niya!

"Not yet. Still have those shirts to pack." Pagod kong saad at tumingin sa kanila.

I pouted, "Help me."

Umiling lang naman sila ng nakangiti kaya sinamaan ko sila ng tingin. Napabuntong hininga sila bago ako tingnan ng mabuti sa mata.

"Are you okay now?" Tanong ni Kuya Caleb sa akin. Naguguluhan ko naman siyang tiningnan at naglabas ng mahinang tawa.

"Yes, of course. Bakit naman hindi?" Tanong ko bago kumuha ulit ng snacks kay Dione. Tahimik lang naman ito habang nakain.

"We're worried about you, Adira. Now that Mom and Dad were—"

"Kuya..." pagpigil ko sa kanya, "Mahirap na mag move on na lang bigla sa nangyayari but I promise you both that I'll be fine. I'm an adult now, I can handle myself." mahina kong turan at nginitian sila ng pilit, "You don't need to take responsibility just because our parents are gone," mataman na dagdag ko sa mga ito.

Umiling si Kuya Caleb, "I can't help but to be worried, Adi. You've got a stalker. God knows what will happen if mag isa ka lang tapos biglang umatake 'yan."

"We can't handle another heartbreak, Adi." Malungkot na usal ni Ate Belle.

"Like I said, Kuya and Ate, I'll be fine." Ngumiti ako sa kanila para man lang makampante sila, "I'll do my best to be fine. You have my word."

Hindi naman talaga nila kailangan gawin 'yon sa akin na babantayan just because they are obligated to. They have their own life and it's also time for them to settle down.

I'm already 20 years old, I can definitely handle myself na.

"Adi..." Si Ate Belle, na biglang nagsalita kaya napatingin ako sa kaniya.

She looked at me with unreadable emotion on her face kaya naman dinagsa ng kaba ang aking dibdib.

They're looking at each other. It seems like they are contemplating whether they're going to say it or not.

Splintered Heart (Eastwood University Series #1) ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon