Chapter 9

25.8K 860 141
                                    

Kasalukuyan kaming nandito sa cafeteria at naghihintay kay Kale na order-in ang aming pagkain. Kakatapos lang ng klase namin sa Biology kaya dumiretso kaagad kami dito dahil pigang-piga na ang aming utak sa nangyaring lesson kanina.

Magpasurpise quiz ba naman si Sir eh.

I scanned the area and noticed that there's a lot of students here. Kakaunti na lamang ang makikitang bakante na pwedeng pagkainan. Buti nalang ay maaga kaming pinaalis sa classroom kanina.

Dumating na si Kale dala ang mga in-order niyang pagkain kaya nagpasalamat kami dito. Nagdasal muna kami bago nilantakan ang pagkain na nasa harapan when suddenly I heard a familiar voice.

"You guys sure are hungry."

Napalingon ako doon at nakita na si Ate Sid at Felicity ang nasa likod namin, with an amuse expression. Namula ako sa kahihiyan at yumuko bago tumingin ng nakangiti sa kanila. Kaya pala natahimik ang maingay na cafeteria kanina ay dumating pala si Ate Sid.

"Can we join? Wala na kasing mauupuan." Tanong ni Felicity. Actually, marami pa talaga bakanteng upuan ang nasa tabi namin, ewan ko lang kung bakit ayaw umupo ng mga estudyante dito eh hindi naman kami nangangain ng tao.

Unless... nvm.

Tumango naman ako sa sinabi ni Felicity and said, "Of course!" Bago umisod para bigyan sila ng space.

Umalis sa aking tabi si Kale at lumipat sa katabing upuan ni Dione sa right side. Para siguro makatabi ko ang aking mga pinsan kaya lumipat ito.

Umupo naman si Felicity sa aking left side at si Ate Sid naman sa right side kaya napapagitnaan nila ako. Katapat ni Ate Sid si Dione kaya mukhang nailang ang gaga habang nasubo ng pagkain.

"I forgot to get drinks. Anong drinks gusto niyo?" Tanong ni Kale sa amin at nakatayo na, handa na pumila sa mahabang pila sa may counter.

"Get us bottled water nalang, Kale. Thank you." Sabi ni Ate Sid ng nakangiti. Tumango dito si Kale at pumunta na sa counter para bumili.

Bago pa ako makasubo ng pagkain ay nagsalita si Felicity na nagpatigil sa akin sa pagkain.

"Bakit parang stress na stress ka diyan, Dione?" Natatawang tanong nito kay Dione sabay subo ng kaniyang pagkain. Bahagya kasing nakabusangot ang mukha nito and distress can be also seen in her face.

"Si Adira kasi!" Sabi nito ng nakasimangot. Naatigil ako sa ginagawa bago mapamaang. Ano na naman ginawa ko?

"Anong ako?" Nagtataka kong tanong at tinuro ang sarili. She contemplated bago ito magsabi ng mga saloobin tungkol sa nangyaring quiz kanina.

"H-Hindi mo ko pinakopya kanina sa Biology! Wala akong sagot sa essay part! Shuta naman kasi quiz lang daw pero may essay!" Pagrereklamo nito kaya napanganga ako habang nakatingin dito. Bakit parang kasalanan ko?

"Bakit parang kasalanan ko?" Naiinis ko na tanong at binagsak ang utensils na hawak. Anak ng tupa naman talaga o!

"Hindi mo ko pinakopya! Wala akong nai-sagot!" Nag aalburoto nitong saad at nagpapadyak pa sa sahig. Umiling lang naman ako dito at nginitian ito ng nang aasar.

"Deserve mo 'yon." Saad ko nalang dito at umirap pa dito. Naalala ko na naman kasi kung bakit ako napasali doon sa banda nila Freyja.

"Anong—" Magsasalita na sana ito ng pinutol ko kaagad ang sinabi nito.

"Hoy, Dione Chavez. Hindi ko pa nakakalimutan na ibinigay mo kay Freyja ang video ko noong high school, pisting yawa ka!" Nanggagalaiti kong singhal dito at binato ito ng tissue sa mukha.

Splintered Heart (Eastwood University Series #1) ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon