Chapter 20

25.3K 954 435
                                    

"Now, we're going to talk." Saad nito habang nakahawak pa rin sa pintuan ng aking condo. Umiling ako dito while looking at her sternly but nervousness started to consume my whole being. Idagdag pa na tumakbo pa talaga ako para mabilis na makapasok pero naabutan din naman agad ako nito.

Ano ba kasing klaseng legs meron ang taong 'to at napakabilis makarating dito?

"Leave." I said, almost desperately.

Mas lalo lang naman nagalit ang mga mata nito sa aking sinabi at umiling, "No." She clenched her jaw while looking at me. Her eyes are burning in rage but I can also see how exhausted it was.

Isasarado ko na sana ang pintuan ang kaso ay napigilan niya ito at pilit na binubuksan ng malawak ang pinto. Nagsimula na din mamuo ang frustration at galit sa akin.

"Miss, umalis ka na!" Sigaw ko sa kaniya ng hindi ko maisarado ang pinto dahil sa lakas ng hawak nito doon.

"Not until we talk. It's been weeks, Adira. I'm sick of you, avoiding me." Mariin niyang sabi habang nakakunot ang noo at inis na inis na sa akin. Wala akong pake kung inis na siya!

"There's nothing to talk about, Miss. Umalis ka na." Muling taboy ko sa kaniya habang pilit na sinasarado ang pinto.

"There is something we need to talk about, Adira." Madilim ang mukha na sabi niya sa akin. Hawak niya pa rin ang pinto at mahigpit ang hawak niya doon.

"Hindi ba pwedeng ipa-bukas na 'yon, Miss? Gabi na, inaantok na ako." Pag-iwas ko sa dapat na pag-usapan.

"That is bullshit. I'm not giving you any more chances to escape once again. If I had to follow you to this extent, I'd do it. Now, open the goddamn door or I'll break it myself." Natakot ako sa banta nito at hindi ko maiwasan na mapalunok on how hot and attractive her thick Italian accent.

"Did you know that I can't sleep because of that kiss? It's been weeks. Adira. I want answers." Mariing saad niya, tinutulak ko pa rin ang pinto para isarado ngunit sadyang malakas talaga siya.

Sa huli ay sumuko na rin ako sa pagtutulak sa pinto at sinabi sa kaniya ang mga salita na ako din ang magsisisi.

"Let's just forget about it, Miss. It's nothing." Sabi ko sa kaniya ng nangungusap ang mga mata. Nakita ko naman kung paano bumalatay sa gulat, sakit at galit ang kaniyang berdeng mata na nagpagulat sa akin.

Oh no, wrong words once again, Adira Fayre.

"Nothing, huh?" She hissed at malakas na tinulak ang pintuan. Halos masira na nga ang pinto sa lakas ng tulak nito, na kahit ako ay matutumba dahil pati ang katawan ko ay tinutulak iyon kung hindi ako nito hawakan sa bewang.

Nagulat ako ng bigla niya akong tinulak papasok at sinabing, "Well, I guess we're going to talk all night about that nothing, eh?" She venomously said to me that me gulped in nervousness.

Napaatras ako papasok ng lumapit ito sa akin like I'm her prey. Tiningnan ko ito ng may kaba sa aking dibdib. Patuloy itong naglakad kaya paatras din ako ng paatras hanggang sa mapaupo ako sa sofa. Lumuhod naman ito sa aking harap dahilan para magpantay ang aming mukha. She looked at me dead in my eyes. I gulped.

"Can't talk now, are we?" She said while smirking. Nilagay niya ang kaniyang dalawang kamay sa magkabilang gilid ko kaya wala na akong kawala dito. Napakagat labi ako.

Nakita ko na napunta ang tingin nito sa aking labi. Nagtagal pa iyon doon bago ito napahinga ng malalim at nag-igting ang panga.

"Stop biting your lips, Adira." Mahina nitong saad at muling tumingin sa aking mga mata. Tinigil ko naman ang pagkagat doon at yumuko.

Splintered Heart (Eastwood University Series #1) ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon