Chapter 26

21K 683 76
                                    

"Hoy! Ano ba kasi ang problema mo?"

Dione question me for the nth time today kaya labis nalang ang pagsakit ng aking ulo. Napahilot ako sa aking sentido at bumaling dito.

"Wala nga, Dione. Masakit lang ulo ko." sabi ko dito at bumaling na sa harap. Kasalukuyan kaming naghihintay sa first subject namin which is kay Ms. Aspen. Mayroon pa naman kasing 10 minutes bago magsimula ang klase kaya iniistorbo ako nito.

Kagabi lang nangyari ang ganap na nalaman ko na ako pala ay adopted kaya wala akong gana pumasok. Sa totoo lang ay wala talaga akong balak pumasok pero dahil nga sa nalalapit na midterms ay kailangan. Letse, sino ba kasi nag-imbento ng mga exams?

Kailangan ko din pumasok ngayong araw dahil may mga oral recitation na hinanda ang ibang mga professors which is one of my weaknesses. Kinakabahan kasi ako pag magsasalita sa maraming tao.

Maya maya ay may narinig na kami na tunog ng takong sa sahig kaya umayos na kami ng upo. Tatayo na sana ako ng bigla akong napaupo sa hilo. Goodness, kanina pa 'to. Everytime I stood up, nahihilo ako. Siguro ay kulang ako sa tulog kagabi. Hindi ako makatulog kagabi dahil nga sa nangyari. Halos dalawang oras lang ata ang tulog sa dami ng iniisip. Kung bakit naman kasi saka lang nila sasabihin pag malapit na ang exams eh! Edi ang dami ko tuloy iniisip ngayon!

"Ms. Tuazon. Are you with us?"

Napatayo ako at saglit na napalapat ang kamay sa aking desk dahil dumagsa na naman ang hilo sa aking ulo. Tumango ako dito bilang sagot at napapikit.

"I said, good morning." Malamig na saad nito kaya inangat ko ang aking tingin dito at nakita na nakatingin ito sa akin, her green eyes filled with worry but still have no emotion in her face. Tumango ako dito at nagsalita.

"Good morning." Mahina kong saad at napakapit sa gilid ng bintana. Gosh, not now.

Tiningnan ako nito ng mabuti kaya napayuko ako para hindi nito makita hindi ako ayos. She can't see me like this.

"Okay. Everyone, settle down..." saad nito but still looking at me with worried eyes so I smiled at her. She's still looking at me with doubt at bumaling na sa aking mga kaklase. "I don't wanna see your notes, reviewer or any paper on your desk right now. Please put your bags at the back right now."

Agad namin ginawa ang sinabi nito at napabuntong hininga. I didn't know she's this strict about oral recitation.

Matapos kong ilagay ang aking bag sa likod ay agad din akong bumalik dahil nahihilo na talaga ako. Papunta ako sa aking upuan ng may nakabanggaan ako. Inangat ko ang aking tingin at handa na sana mag-sorry ng makita ko si Ms. Aspen na may pag-aalala na nakapaskil sa mukha nito.

"Everything alright?" Mahinang tanong nito at marahang hinawakan ang aking kamay. Sinabayan ako nito papunta sa aking upuan kaya tumango ako dito at ngumiti ng pilit. Medyo lumapit ako dito.

"I'm fine. Just a headache," sabi ko at ngumiti. Tumango naman ito ng may pag-aalala at bumalik na sa harap. Agad akong umupo ng makaalis ito dahil it's getting worst. Ang sakit ng ulo ko, shuta!

"Okay, let's start with the boys, shall we?" The boys groaned in protest after hearing what Ms. Aspen said kaya tumaas ang kilay nito. I chuckled.

"What? Any objection?" sabi nito habang inaayos ang mga papel sa lamesa. Kalaunan ay bumaling sa mga lalaki.

"Bakit kami nauuna lagi, Miss?" Naiinis na saad ni Aaron kay Ma'am. Natawa ako. Sa boys kasi ay siya ang nauuna sa listahan ng pangalan so siya ang mauuna na mag recitation kaya siguro ganito na lang ang inis nito.

"Don't you guys always want to be first at everything?" Prangkang tanong ng aming President kaya napa-oooh ang aking mga kaklase habang ako ay nakangiti lamang sa mga ito, natutuwa sa mukhang mangyayari na away.

Splintered Heart (Eastwood University Series #1) ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon