Chapter 29

22.4K 556 96
                                    

"Aray ko naman!"

"Wag kang maingay! Kita mong tulog yung tao eh!"

"Wag ka din sumigaw!

"E nasigaw ka din eh!"

"Tanga—"

"It's too early for you guys to bicker at sa kwarto ko pa talaga!" Sigaw ko na nagpatalon sa dalawang tao na nasa harap ng higaan ko dito sa bahay namin.

Napapikit na lang ako sa inis ng makita si Dione at Soleil na nasa aking harap, handa na mag-away, si Felicity na may kinakain na Pringles sa aking sofa, nakataas pa ang paa ng siste, at si Ate Sid na pinapanood lang yung dalawa na magtalo habang nakatayo sa gilid.

"Ayan nagising tuloy."

"Ang ingay mo kasi!"

Sinamaan ko ng tingin ang mga ito bago tumayo.

"Ano bang kailangan niyo at nandito kayo?" Nakapamewang na tanong ko at tiningnan sila isa isa. Narinig ko na napa buntong hininga si Ate Sid kaya tumingin ako dito.

"We're actually checking on you if you're okay." Marahan na saad nito habang tinitingnan ako ng mabuti. Parang may humaplos naman sa aking puso ng marinig 'yon kay Ate Sid. Nginitian ko ito at yumuko para hindi nila makita ang aking mukha.

"I'll be fine naman siguro, Ate. Thank you for checking on me," saad ko at ngumiti ng maliit sa mga ito. Bumuntong hininga naman sila habang binibigyan ako ng tingin na ayaw kong ibigay nila sa akin.

"O sige, sabi mo e! Anyways— aray! Nakakailang batok ka na ha!" Sigaw ni Dione matapos batukan ni Soleil. Natawa naman ako sa mga ginagawang kalokohan ng mga 'to.

"Sorry. Feel ko lang talaga na batukan ka." Kibit balikat na saad ni Soleil habang lumalapit kay Felicity para kumuha ng Pringles dito. Nang kukuha na sana si Soleil ay hinampas ni Felicity ang kamay nito na nagpapitlag dito.

Nilayo ni Felicity ang Pringles kay Soleil at habang binibigyan ito ng masamang tingin. Napailing ako. She loves Pringles that much.

"Tara na! May upcoming midterms pa tayo!" Pag-aaya sa akin ni Ate Sid at inakbayan ako.

Yes. Even though ongoing pa rin yung funeral ni Mom, hindi pinayagan ng school na um-absent ako. See? Mas lalong nakakainis at frustrating.

It's been 4 days nung nangyari ang aksidente ng aming parents. My Dad is still in the hospital, fighting for his life. Iba't-ibang coping mechanisms ang ginawa namin magkakapatid para makaraos sa nangyayari.

Kuya Caleb spent his time entertaining our guests at my mother's funeral. Ate Belle almost sleep at the hospital para bantayan si Dad kaya sobra na yung naf-feel ko na para bang wala akong ginagawa para sa mga magulang ko. Ang ginagawa ko kasi ay nag patuloy lang ako sa pagr-review ko sa upcoming midterms and my siblings didn't mind it. They just encourage me to get better to make our parents proud which is a very good encouragement to be better.

"Hey, Adi, you alright?" Nag-aalala na tanong ni Ate Sid sa akin at hinawakan ako sa balikat. "I can talk to the Dean and—"

"No, Ate Sid. It's fine." Sabi ko at ngumiti ng pilit. Nag-aalala man ay tumango ang mga ito. "I'll just go prepare myself." Naglakad na ako papuntang banyo para mag-ayos ng sarili.

After kong matapos ay agad akong nagbihis para pumunta na ng university. I sighed and smiled to myself.

Okay. Let's get this day over.


Nasa sasakyan kami ngayon ni Ate Sid papunta na sa university. Tahimik lang naman akong nagmamasid sa labas ng magsalita si Soleil.

"Hoy, Sidra! Magpatugtog ka!" Utos nito na dahilan ng pagsimangot ng isa.

Splintered Heart (Eastwood University Series #1) ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon