Chapter 12

24.3K 804 168
                                    

Kasalukuyan akong nasa bagong bukas na coffee shop malapit lang sa university. Hinihintay ko si Dione dahil gusto niya daw i-try yung menu na nandito kaya sinamahan ko na at baka umiyak na naman. I looked at my wrist watch and check the time. Maaga pa naman para pumasok sa school kaya ayos lang na tumambay muna.

Halos pagod na pagod ako kagabi nang makauwi ako sa bahay. Hindi na ako kumain at pumanhik na kaagad sa aking kwarto para matulog. Nalaman ko din na umuwi sila Mom to check on me ngunit nung pagkagising ko ay umalis na din agad sila dahil busy talaga sa ospital.

Ilang minuto pa ay dumating na si Dione dala dala ang kaniyang bag. Nilibot nito ang kaniyang tingin sa loob. Actually, naka-pwesto ako malapit sa entrance ng coffee shop so basically nasa harap ko na siya pero dun siya sa malayo nakatingin kaya hindi niya ako makita.

Kumunot ang noo nito at kinalikot ang kaniyang cellphone.

Hmm, mga napapala ng mga engot.

Ni-chat niya ako.

Dione Chavez
Hoy babae! Asan ka na?!

Adira Fayre TuazonGaga, nasa harapan mo 'ko.

Buhat sa aking ni-chat ay bumaling ito sa aking pwesto na nanlalaki ang mata. Humagalpak naman ako ng tawa dahil ang priceless ng mukha nito.

"Bwisit ka talaga!" Singhal nito at hinampas ako sa braso. Hindi ko ininda dahil natatawa talaga ako.

Hinimas ko lang ang aking braso at tumingin dito, natatawa pa rin.

"Pft-- ito na 'di na tatawa." Sabi ko dito nang mukhang hahampasin na naman ako nito at pinipigilan na tumawa. Napairap naman ito sa akin bago umupo sa aking tapat.

"Naka-order ka na?" Tanong nito sa akin kaya umiling ako. Hindi naman talaga ako nagugutom dahil wala akong gana.

Um-order na kami... siya lang pala. Ayokong gumastos, sayang pera. Nag promise na akong hindi na ako gagastos, unless deserve ko.

After niyang um-order ay lumabas na kami at pumasok sa Eastwood. Marami pa rin mga estudyante na nasa labas kaya pumunta muna kami sa cafeteria para tumambay.

"Asan si Kale?" I suddenly ask kasi wala pa ito. Usually ay lagi itong nauuna sa amin pag papasok kaya medyo weird na nandito na kami habang hindi pa namin siya nakikita.

"Malay ko! Hawak ko ba katawan non?!" Inis nitong sabi at nagkamot sa ulo.Napabilog ang aking bibig sa sudden outburst nito at agad na tiningnan ito ng nanlalaki ang mata.

"O e ba't ka nagagalit?!" Inis ko din na sabi dito at nameywang sa harap nito. She looked at me, frustrated before messing her hair in frustration.

"Aish! Ito kasing pinsan mo nakakainis!" Saad nito at napahilamos pa ng mukha. Napakunot ang aking noo sa kaniyang sinabi. Sinong pinsan?

"Sino?"

"Sino pa ba?! Malamang si Sidra! Alam mo kagabi pa ako naaasar diyan sa pinsan mo, ha?! Saan bang lupalop niya nakuha ang number ko at tinatadtad ako ng messages!? Pakisabi diyan sa pinsan mo ang sarap niyang isuot sa karayom kasi mukha siyang sinulid!" Naiinis na may kasamang frustration niyang sabi kaya 'di ko alam kung matatawa ako o hindi. Madami na rin kaming nakukuhang atensyon dahil sa lakas ng boses nito.

"Kumalma ka nga! Ang lakas ng boses mo! Ano ba kasi---"

"Adira."

Naputol ang aking sasabihin ng may tumawag sa akin sa malamig na boses. Napalingon ako dito at nakita ko ito na papalapit sa amin na may mabibigat na hakbang na nagdala ng kaba sa aking sistema.

Splintered Heart (Eastwood University Series #1) ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon