Chapter 37

19.1K 501 109
                                    

Nagising ako ng may narinig akong katok sa aking kwarto dito sa bahay namin. Nakauwi na kami galing Batangas around 10am in the morning and it's currently 7pm. Ganun ako kapagod sa byahe kahit na hindi naman ako nag drive. For sure Aspen is much more tired lalo na at may inaasikaso pa din siyang trabaho kahit noong nasa Batangas pa kami.

Papikit pikit akong naglakad sa pintuan para buksan iyon at tumambad sa akin si Manang na may malawak na ngiti. 

Nagtataka man ay binigyan ko ito ng ngiti kahit na inaantok pa at papikit-pikit. 

"What's up, Manang?" Humihikab kong tanong bago muling ngumiti dito ng inaantok.

Ngumiti ito sa akin at napailing sa kalagayan ko ngayon,"Nandito na yung Lolo at Lola mo, iha. Tawag ka na ng mga kapatid mo," maligayang saad nito at pumalakpak pa. Ngumiti ako dito bago nanlaki ang mata ng napagtanto ang sinabi nito.

"They're here? Already?" Hindi ko makapaniwalang tanong ko bago tumayo at nagmamadaling sinarado ang pintuan para mag ayos ng sarili.

Oh, my God! Akala ko next week pa sila uuwi. Bakit nandito na sila?! 

Dali dali akong pumasok sa banyo at naghilamos ng mukha. Hindi na ako nag abala pa na magpalit ng damit dahil naalala kong sila Lolo at Lola lang naman 'yon, hindi dapat nahihiya. 

Dali dali akong lumabas at bumaba sa hagdan para makita sila. Napangiti ako ng malawak ng makita ko ang mga pamilyar na mga pigura nito at agad na tumakbo para salubungin sila.

"Pops! Grandma!" Tawag ko kaya napatingin sila sa akin ng gulat kalaunan ay ngumiti ng makita ako. They groaned nang dambahin ko sila ng yakap. 

"The princess is now heavy!" Natatawang saad ni Lolo at tinapik ang aking balikat habang yakap yakap pa rin. Naluluhang umalis ako sa yakap at tiningnan sila ng may pangungulila. I pouted.

"I miss you," I mumbled at muli silang dinambahan ng yakap. Natawa naman sila sa aking inasal at tinapik tapik ang aking likod para kumalma.

Kumalas ako sa mga ito at nakangiting umupo sa tapat nila. Tumingin ako kila Kuya at nakita ko naman na they're smiling at us genuinely kaya lalo akong napangiti. 

"I didn't know na ngayon uwi niyo," sabi ko habang nakatingin sa kanila ng may excitement sa mukha. They just laughed at me and shook their heads.

"We didn't know too! Biglaan din e!" Si Lolo at uminom ng kaniyang kape. He still likes black coffee. That's good.

"You should've told us na uuwi kayo. Nasundo po sana namin kayo," marahan na saad ni Kuya kaya bumaling ako dito bago ibalik kila Lolo ang tingin. Naka ayos na din ito, mukhang paalis na sana para pumunta na sa hospital. Ang dalawang kamay nito ay nakapatong sa dalawang tuhod at nakangiting nakatingin kila Lola. 

Yes, work agad ang pupuntahan nila after magpahinga ng ilang oras dahil sa byahe. Mukhang wala pa nga sila sa tamang wisyo ngayon e.

"We wanted to surprise you, mga apo. And, Marcus is there naman," saad ni Lola at binahagian ng ngiti ang bodyguard. Tumingin ako dito.

Naks. Ang laki ng katawan! Mas malaki pa ata sa nakikita kong bouncer sa isang bar. Nanlalaki ang mata na umiwas ako ng tingin dito. 

"He's huge!" I whispered in disbelief habang nanlalaki ang mata, hindi makapaniwala sa nakikita. Narinig ko naman ang tawanan kaya panigurado na narinig nila yung sinabi ko.

Napatalon ako sa kinauupuan ng bigla itong tumawa na para bang dinosaur. Ang laki ng boses niya! 

"Don't laugh, Marcus. Our princess here is getting scared," sabi ni Lolo kaya lalo silang natawa. Natatawa naman akong napailing at uminom ng juice na binigay ni Manang. 

Splintered Heart (Eastwood University Series #1) ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon