Chapter 4

28.3K 892 91
                                    

Nakatapos naman kami ng pagkain ni Felicity ng hindi nabubulunan kaya after namin matapos ay dali dali na kaming umalis papunta sa susunod naming subject.

Nandito na ako sa huli kong subject ngayong araw at konting oras na lang ay matatapos na din ito. Nagbibigay na lang kasi siya ng magiging homework kumbaga before matapos ang klase. Magaling din siya magturo, as expected from Eastwood.

"Class dismissed."

Nang marinig iyon ay mabilis kaming nag ayos ng mga gamit habang sila Dione ay nauna na dahil may aasikasuhin pa daw sila sa bahay. Pinauna ko na dahil may kaniya kaniya naman silang sasakyan or driver para maghatid sa kanila.

Paglabas ko ng classroom ay may narinig akong tumawag sa akin.

"Tuazon."

Bumalik ako sa tumawag sa akin at napangiwi ng makita ang professor na kinakatakutan ni Felicity. May hawak itong isang tumbler na yellow. Pamilyar siya pero mukha naman kay Miss talaga ang tumbler na iyon.

"Ah, yes?"

"Cousin mo si Felicity?" Tumango ako kaya agad niyang inangat ang tumbler.

"Give this to her. Naiwan niya sa office ko. I was about to give it to her earlier but she avoided me like a plague kaya ikaw na magbigay sa kaniya." Malamig pa sa yelong saad nito kaya tumango na lang ako at ngumiti ng maliit.

Napalunok pa ako. Sa lamig ba naman ng tingin nito habang sinasabi 'yan ay mapapalunok ka na lang talaga.

"Of course! Thank you po, Miss." Pagpapasalamat ko dito bago siya tumango at umalis na sa harapan ko.

Agaran ko naman kinuha ang aking phone to chat Felicity na nasa akin ang pinakamamahal niyang tumbler. Kahit kailan ay napakaburara niyang tao at sa office pa talaga ng professor niya iiwanan.

Teka, ba't doon niya iniwan?

Ah, bahala na.

Nag-reply naman kaagad ito at nagpasalamat sa akin. Napairap naman ako sa sinabi nito. Hindi ko rin nakalimutan na pangaralan siya through text.

Papatayin ko na sana ang aking cellphone nang makita ang text ni Kuya Caleb na hindi niya ako masusundo. Napabuga ako ng hangin sa kawalan. Wala naman kasi ngayon si Kuya Carlo dahil nag day off siya ngayon. Hindi din ako marunong mag-commute.

Hays. No choice. I need to find a taxi.

Naghintay ako ng ilang minuto sa paghihintay at maya maya din ay may nakita na ako. Itataas ko na sana ang aking kamay ng may tumigil na sasakyan sa aking harapan. Pinagmasdan ko naman muna ang kotse dahil hindi ito pamilyar sa akin. Mahirap na at baka maidala pa ako sa black market, jusko lang talaga!

Nang makita na binaba nito ang bintana ay agad na rumehistro ang gulat sa aking mukha at tiningnan ito ng naguguluhan sa mukha. Parang kanina lang ay Mercedes pa ang kotse nito ngayon ay hindi ko na alam.

"What are you still doing here?" Tanong nito matapos ang ilang minutong katahimikan na namayani sa amin.

"Naghihintay po ako ng taxi, Miss." Pagsagot ko dito at ngumiti sa kaniya.

"At this time? Is your driver not going to fetch you? There is no taxi coming at this hour." Pagkasabi niya noon ay napairap ako sa aking isipan.

Mayroon, Miss. Kung hindi sana kayo tumigil sa harapan ko ay nakasakay na sana ako.

"What did you say?" Tanong nito sa akin habang medyo masama na nakatingin sa akin.

Did I say that way too loud?

"Ah, hehe. Wala, Miss. Sige po, una na kayo." Pilit ang ngiti na sabi ko dito at iminuwestra pa ang daan. She squints her eyes before shaking her head.

Splintered Heart (Eastwood University Series #1) ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon