Chapter 6

28.7K 916 279
                                    

Kasalukuyan akong kumukuha ng pagkain kasama si Dione. Natagpuan ko ito kasama ni Ate Sid na masama pa rin ang timpla hanggang ngayon but her flushed cheeks can be seen while on the other hand, Dione is looking at her na para bang may tumubo pang isang ulo dito but also blushing. Kita pa rin naman ang magugulo nilang buhok indicating that they just got inside.

Mahangin siguro sa labas.

Nakita ko naman na napakaraming kinukuhang pagkain ni Dione kaya nagtataka ko itong tiningnan. Kumain ba siya?

Lumapit ako dito at tinanong siya."Hoy, babae. Ayos ka lang ba? Gutom ka ata?" Tanong ko ito. Napatigil naman ito sa pagkuha ng pagkain at lumingon sa akin.

"Yeah. Hindi pa ako kumain ng hapunan." Sabi nito at ngumuso pa habang hinihimas ang tiyan. Napangiwi naman ako na makita kung paano ito ngumuso na parang pato. Hindi niya bagay! Yuck!

"Gaga ka, hindi ka pa pala nakain, inuna mo pa landi!" Iritang sabi ko dito. Syempre naman, worried din ako sa health ng mga kaibigan ko. Kahit sa school ay lagi kong sinasabihan 'yung dalawa na lagi kumain sa tamang oras. Dahil nga doon ay tinatawag nga nila akong nanay nila. Mga peste! Sila na nga inaalala.

"E kasi naman, may pogi doon kanina alangan naman 'di ko kausapin. Tsk. Matagal pa sana usapan namin kanina nung pogi kung 'di dumating si—" Natigilan ito sa kaniyang sinasabi at tumingin sa akin.

"Sinong dumating?" Tanong ko dito. Kahit kailan ang hilig mang-bitin ng babaeng 'to.

"Ah basta!" Pagsasawalang bahala nito kaya pinabayaan ko na rin. Magsasabi din 'yan.

Kumuha ulit kami ng pagkain ng tahimik. Ilang minuto ang lumipas ay muling nagsalita ito.

"Ay oo nga pala. Nandito daw si Miss Ferrucci?" Sabi nito sa akin na may halong pang-aasar sa mukha. Tinaas taas pa nito ang dalawa niyang kilay kaya medyo nainis ako sa nakita. Ilang beses na akong naasar today, don't tell me dadagdagan niya pa?

Tsaka, ba't ba nila ako inaasar kay Miss? Kita naman na professor 'yung tao. Imposible 'yang iniisip nila.

"O e ba't ganiyan ka makatingin?" Naguguluhan kong tanong dito at sa pagkain pa rin ang tingin, hindi pinapansin kung paano ako nito binibigyan ng nang aasar na tingin.

"Eh? 'Di ba crush mo yon?" Naguguluhan din nitong tanong sa akin. Doon mabilis akong nag angat ng tingin habang nanlalaki ang mata.

Crush? Kailan pa ako nagka-crush? Si Elizabeth Olsen lang naging crush ko!

Binatukan ko ito at sinabing, "Anong crush ka diyan? Kailan ko sinabi?" Histerikal kong sabi dito. Kasi naman, fake news siya! Kailan pa ako nagsabi na crush ko yon?

"Hindi mo sinabi! Ang defensive, ha? Tsaka, ang sakit ng batok mo!" Sabi nito habang hinihimas ang ulo.

"Eh napaka fake news mo kasi!" Inis kong saad dito.

Hindi ko crush 'yon. Hindi talaga.

O sige. Push mo 'yan.

Inirapan nalang ako ni Dione kaya ganun din ang aking ginawa. Pumunta kami sa aming lamesa at nilamutak kaagad ang aming pagkain. Gutom na rin kasi talaga ako.

"Adi. Pwede tayong kumuha ng wine, right?" Biglang sabi nito na may halong kalokohan. Tumango naman ako sa tanong nito kahit naguguluhan.

"Tawagin mo si Kale saka iba mong pinsan, kukuha ako ng dalawang bote." Sabi nito sabay halakhak ng malakas kaya maraming napatingin sa amin. Napayuko ako sa ginawa nito.

Anak ng tokwa. Nakakahiya din siya minsan.

Tumango nalang ako at tinawag si Kale at iba ko pang pinsan. Pumunta naman agad ang mga ito na may kaniya kaniya nang baso at mukhang ready na. Ilang minuto ay dumating na si Dione na walang dala.

Splintered Heart (Eastwood University Series #1) ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon