Chapter 18

22.3K 779 147
                                    

"Adira!"

Nagising ako sa sigaw at katok mula sa aking pinto dito sa aking condominium.

Mahigit dalawang linggo na ako tumutuloy dito kaya dalawang linggo na din akong wala sa bahay. Wala din naman tao sa bahay kaya okay lang at wala masyadong nagtataka kung bakit hindi ako naglalagi doon. Hindi na rin naman ako tinanong nila Manang kung bakit hindi ako masyadong napunta doon which I'm really grateful of.

Papikit-pikit pa ang mata na pumunta ako sa aking pinto at binuksan iyon. Bumungad sa akin ang mukha ng tatlo kong pinsan at si Dione. Nakangiti pa ang mga siste, na akala nila ay wala silang naistorbong tulog.

Araw araw din silang napunta dito para kumain o manggulo pero hindi nila ako tinatanong kung ano nangyari kaya laking pasasalamat ko nalang. Minsan ay isa lamang sa kanila ang nandito at aayain ako lumabas pero tinatanggihan ko dahil nag-aaral ako dahil malapit na midterms namin. Bawal ang kulelat!

Walang sabi na pumasok ang mga ito dala ang mga paper bags na may laman na pagkain o ano kaya napabuntong hininga nalang ako at sumunod sa mga ito.

"Alam niyo bang naistorbo niyo tulog ko?" Nakapamewang na saad ko at tiningnan sila ng masama.

"Amoy hanggang dito ang bad breath mo, Adira. Mag sipilyo ka nga muna!" Si Dione na mas mabaho pa ata sa akin ang bunganga habang may pagkadisgusto na makikita sa mukha nito. Inirapan ko nga. Ang arte niya!

"E di sana hindi mo inamoy, 'di ba? Kasalanan ko pa ba 'yon?"

Umakyat muli ako sa kwarto para mag-ayos ng marinig ko ang aking cellphone na tumunog na naman. Napabuntong hininga ako. Walang araw na hindi ako nito tinatawagan kaya minsan ay ginagawa ko na lang na alarm ang mga tawag nito tuwing umaga.

That's really harsh and I don't care.

Nagkikita pa naman kami sa school tuwing time niya lang. Hindi ko na hinahayaan na magkasalubong pa kami sa ibang oras dahil panigurado ay mag-uusap kami nito pag nagkataon na ayaw kong mangyari. Tinatawag din naman ako nito after ng klase niya pero hindi ko ito pinapansin at lumalabas na parang walang naririnig. I know it's rude but hindi ko pa talaga siya kayang kausapin. Naaalala ko yung nangyari last week na nadatnan ko sa hallway tuwing nakikita ko mukha niya. Napailing ako at pinatay ang cellphone. Inayos ko ang aking sarili at bumaba na.

Nakita ko na nanonood na sila ng TV habang mga nakataas ang mga paa na akala mo sila ang naglilinis! Mabilis akong bumaba para tanggalin ang kanilang mga paa sa lamesa.

"Mahirap mag linis ng condo, mga animal! Ibaba niyo nga 'yan!" Naiinis kong saad sa mga ito at umupo sa tabi ni Soleil ng nakabusangot ang mukha.

"Arte nito!" Reklamo ni Dione at sumimangot. Napabuntong hininga na lang ako ng makita ang TV na bukas na naman. Gamit na naman nila ang Netflix ko na hindi naman sila ang nagbabayad.

Napabuntong hininga muli ako at tumabi ng upo kay Ate Sid. Kukuha na sana ako ng softdrinks ng paluin ni Ate Sid ang kamay ko. Napadaing muna ako bago samaan ito ng tingin.

"Umagang-umaga, Adira! Kumain ka muna ng tinapay, babaeng 'to!" Saad nito at inirapan ako. Napanganga ako sa sinabi nito. Ba't kasi sila nagdala ng softdrinks kung hindi naman iinumin?!

Inis akong tumayo at kumuha ng green apple sa refrigerator. Bumalik ako sa aking pwesto kanina at doon kumain. Maya maya ay nagsalita si Dione na nagpatigil sa aking pagkain.

"Kinausap ako ni Ms. Ferrucci kahapon after mong lumabas ng classroom..." Maingat nitong saad kaya napatingin ako dito. Kalaunan ay yumuko ako para kumuha ng tubig. I'm suddenly thirsty.

"O, anong sabi?" Kunwari ay wala akong pakialam habang tinatanong iyon dito kahit na kinakabahan na ako.

Tiningnan nila ako na tila nagsusuri. Nilagay nito sa lamesa ang iniinom na coke bago pagsiklupin ang mga kamay at tingnan ako ng mataman. Napalunok naman ako.

Splintered Heart (Eastwood University Series #1) ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon