Chapter 28

22K 604 64
                                    

Nakasimangot na nag-aaral ako ngayon sa tabi nito habang siya ay may ginagawa naman sa kanyang laptop. Sinabi kasi nito sa akin na mag-review na lang daw ako imbes na manood sa Netflix.

Nang maisip na naman iyon ay napairap ako sa kawalan. Halos ubusin ko nga ang time ko last week sa pagrereview para makapanood ng New Amsterdam tapos ganito lang?

"Quit glaring at me and focus on your notes, Adira." saad nito habang sa laptop pa rin ang tingin. Lalo naman akong napasimangot at binagsak ang hawak na notebook. Napatingin naman ito sa akin.

"Miss." tawag ko sa kaniya ng nakanguso kaya tumingin siya sa akin, naghihintay ng aking sasabihin.

"Halos one week ko nang binabasa 'to! Gusto ko nang panoorin 'yon!" Mangiyak-ngiyak kong saad habang nakaturo sa TV nito at nagpapadyak sa sahig. I swear to God, isang basa ko pa sa notebook na 'yan, sasabog na utak ko!

"No."

Napahilamos ako sa mukha ng marinig muli 'yon sa kaniya at sinamaan ito ng tingin. Tumayo ako kaya tumingin ito sa akin ng nakakunot ang noo.

"Uuwi na lang ako." saad ko at maglalakad na sana papunta sa kwarto nito ng magsalita na lamang siya bigla. Joke lang 'yan pero kasi season 1 palang ako!

"It's pouring heavily outside, Adira," sabi nito habang kunot pa rin ang noo. Kinuha ko ang cellphone sa bulsa at iwinagayway iyon. Ngumiti ako dito ng malawak.

"I'll call Kuya Carlo." sabi ko na nagpatigil sa ginagawa nito. Sinamaan ako nito ng tingin at tumayo. Nilagay nito ang hawak na laptop sa kaharap na lamesa at napahilot sa sentido. Ha! I win.

"You really want to watch it that bad?" Hindi makapaniwalang saad nito at kumunot ang noo. Tumango ako dito na parang tuta at lumapit dito.

"Yes, please." Sabi ko at ngumiti ng malawak. Napabuntong hininga naman ito at tumango, indicating that she is allowing me to watch it.

Napasuntok ako sa hangin at napa talon. Niyakap ko muna ito bago kunin ang remote sa tabi ng TV.

Pagkabukas ko ng TV ay napatili ako ng makita na yung favorite character ko ang lumabas sa isang episode. Kumuha ako ng unan sa tabi at niyakap iyon.

"Now, this is why I don't want you to watch this series." bulong nito at kinuha muli ang laptop sa table. Napangiti ako.

Ilang minutong panonood ay naramdaman ko na nanonood ito habang nakakrus ang mga braso at sinasamaan ng tingin ang babaeng character na fave ko. Ano bang problema nito?

"That woman is really offending me." Bulong nito kaya hindi ko na napigilan na tingnan ito ng nakakunot ang noo.

"Ano ang ikinakagalit mo at lagi kang galit diyan sa character na 'yan?" Tanong ko at sinamaan ito ng tingin. Hindi ako makapag-focus na pinapanood ko, seryoso!

"Nothing. I'm just wondering why are you calling her hot when I'm more hotter than her." She uttered ng hindi tumitingin sa akin at nakakrus pa rin ang braso. Napairap ako. Yabang neto!

"Anong hot ba yung sinasabi mo? Apoy ba siya para sabihin kong 'hot' siya?" Sabi ko at umirap. Hindi naman ito makapaniwala na tumingin sa akin at napanganga. Napapikit ito sa inis.

"That's not what I meant!" Sigaw nito at napa hilamos sa mukha. Naguguluhan ko itong tiningnan. "You called her hot last night and blah blah..."

Napangiti ako ng wala sa oras ng makita na parang nagseselos ito sa character na iyon.

Pinanood ko lang ito na mag rant ng kung ano ano hanggang sa hindi ko na napigilan at pinatay ang TV at pinutol ito sa kaniyang sinasabi.

"I love you." Sabi ko ng nakangiti kaya natigilan ito at nakita na lumambot ang mukha nito na kanina lamang ay mangbibigwas na.

Splintered Heart (Eastwood University Series #1) ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon