Chapter 34

21K 625 100
                                    

Kasalukuyan akong naghihintay kay Dione na matapos sa pagpapalit ng damit. Nakapag bihis na rin kasi ako kanina sa room namin at ang iba ay nauna nang lumabas. Ito kasing si Dione ay kakagising lang tapos inaya ako na hintayin siya habang siya ay nagbibihis.

3pm na kasi ngayon at maganda na ang panahon. Hindi na masyadong mainit kaya napagpasyahan namin na pumunta na sa dagat.

Umangat ang aking tingin ng bumukas ang pinto ng banyo na pinagpapalitan ni Dione. Nakita ko na tapos na ito kaya tumayo na ako.

Nauna pa ito sa aking maglakad papalabas para ipakita sa iba ang kanyang suot na swimsuit na hindi ko naman maitatanggi na bagay nga sa kaniya.

She's wearing a yellow two-piece sa pagkakaalam ko. Naka cover up pa kasi ito kaya hindi ako sure kung 'yon nga ang suot nito.

Ate Sid almost threw a fit when she saw what my best friend's wearing. All of the attention earlier were on her pero dahil nga kay Ate Sid ay nakabusangot itong umalis doon kanina.

Natatawa na lamang ang aking mga kasama sa nasaksihan habang ako ay clueless pa rin sa nangyayari.

Ang suot ko ngayon ay one piece backless swimsuit with zipper sa harap. Kasalukuyan ko pa ring suot ang white polo long sleeves na suot ko kanina para ipang-cover up.

Ngayon pa lang din ako lalabas dahil may inayos pa ako sa loob ng kwarto namin kanina.

Sumunod na ako kay Dione, na ngayon ay naglalakad na papunta sa iba pa namin kasama. Pagkalabas ko ay agad na hinanap ng aking mata si Ma'am.

Nang makita ko ito ay agad akong napangiti ng makita na nakangiti ito ng maliit habang pinapanood ang aking mga pinsan.

Nararamdaman niya siguro na may nakatingin sa kaniya kaya nilibot nito ang tingin hanggang sa mapadako sa akin. She immediately smiled at me at pinasadahan ang aking kabuuan. Lumapit naman ako dito ng may ngiti.

"You haven't swim yet?" Tanong ko ng makalapit. Umupo ako sa tabi niya. She is still staring at me with adoration in her eyes kaya nahihiyang napayuko ako.

"Wow," she said in daze.

Lalo lamang ako namula sa sinambit nito bago mapailing at nakangiting tumingin dito, "You did not answer my question, Miss." Natawa naman ako nang parang bumalik na ito sa wisyo. Tiningnan ko ang kabuuan niya.

"I was waiting for you," she answered the question that I ask earlier bago ngumiti muli sa akin.

"You look gorgeous." Pag compliment ko dito. Lalo lamang lumawak ang ngiti nito sa labi bago mapailing.

Imbes na sagutin ako nito ay tumayo lamang ito at inilahad ang kamay sa akin, "Let's go?"

Tumango ako bago tumayo para tanggalin ang cover up na suot. Lumingon ako sa kasama ko at nakita ang namamangha na mata nito na nakatingin sa akin. I smiled at her obvious admiration towards me as my cheeks started to feel hot when I felt many eyes on me.

Pagkatanggal ko ay may narinig agad akong sipol sa may direksyon ng aking mga pinsan kaya lalo akong napangiti. Hindi ko naman sila binalingan at tumingin lang sa aking katabi, na ngayon ay nakatulala lang na nakatingin sa akin. I saw how her eyes darkened and how her jaw clenched before averting my eyes on me.

"This is so fvcking illegal," she whispered to herself pero rinig na rinig ko pa rin kaya lalo akong napailing. Tumingin naman ito sa akin with her eyes is still dark kaya naman napalunok na lamang ako. It's too intense.

"Tara na," sabi ko at hinila siya papunta sa pwesto ng aking mga pinsan. Nagpatinaod na lamang siya habang hila hila ko.

Ramdam ko naman ang mga titig ng hindi ko kilalang tao kaya medyo nahihiyang napayuko ako. I heard Miss hissed so I looked at her. Natawa ako ng nakita na tinatapunan nito ng masama na tingin ang mga tao na nakatingin sa akin.

Splintered Heart (Eastwood University Series #1) ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon