Chapter 32

20.7K 637 110
                                    

Minulat ko ang aking mata ng may naramdaman akong yugyog sa aking balikat. Umiling iling ako at itinakip ang kumot sa mukha bago umungot.

Patuloy lang naman ang tao sa pagyugyog kaya tinanggal ko ang kumot sa mukha.

"Too early, please." Mahina kong turan at muling nagtakip ng kumot.

"Come on, Adi. We're going to be late."

Napabalikwas ako ng marinig ang boses ni Ma'am. Tiningnan ko ito ng nanlalaki ang mata at tinakpan ng kamay ang aking mukha. Natawa naman ito sa aking ginawa.

"Fix yourself. I'm just going to put your bags on the car," saad nito kaya wala sa sariling tumango ako. Para kasing may nilagay itong salamangka na dahilan ng pagsunod ko dito. God, she's too gorgeous in this early morning.

Narinig kong tumawa ulit ito bago pumunta sa aking mga maleta at bags na dadalhin sa outing namin.

Nakapag desisyon kasi kaming magkakapatid pati na rin naming magpinsan na mag outing after ng libing ng aming parents since sembreak na rin naman ngayong week. One week nga lang ang aming break kaya susulitin na namin ang pagkakataon.

Reason kung bakit nandito si Miss ng maaga ay dahil dito na siya nag-stay sa condo para sabay kami na pupunta doon sa pupuntahan namin. Mag convoy na lang daw since may sari-sarili naman daw sasakyan yung iba.

Maya maya din ay nag-ayos na ako ng sarili ko dahil isa rin naman na impatient ang kasama ko kaya dali dali akong nag-ayos.

Since 4am pa lang naman, I just decided to wear a denim short and a black long sleeve shirt with 3 buttons down. Mamaya na lang ulit ako magpapalit pag medyo sunny na dahil tinatamad pa ako mag-ayos. For sure ay titigil din naman kami in every 2 hours na pag d-drive.

Natigil ako sa pag-aayos ng pumasok na muli ito sa aking kwarto. Ngumiti ito bago ako pasadahan ng tingin. Nawala ang ngiti nito sa labi ng makita ang aking suot.

"What are you wearing?" Kunot noo na tanong nito habang papalapit sa akin. Muli ko naman tiningnan ang aking suot.

"Uh, clothes?" Saad ko at hinanap ang perfume nito, "Anyways , can I have your perfume?" Tanong ko.

Simula kasi nung ginamit ko na ang perfume nito ay nagustuhan ko na ng tuluyan kaya hiningi ko na yung ginagamit niya. Binigay niya naman ng buong puso kaya laking tuwa ko na lang. Expensive kasi ito nung makita ko ito last time sa mall kaya hiningi ko na lang yung kaniya.

"It's on your bag and please, close those buttons, Adira," sabi nito at napahilot sa sentido. Kumunot naman ang aking noo bago maglagay ng perfume sa katawan. Nang matapos ay nilagay ko ito sa bag.

"What's wrong with my clothes?" Tanong ko. Napapikit naman ito sa aking tanong.

"I can see your... damn it. Just close it!" Inis na saad nito at nauna nang lumabas. Napairap naman ako sa kawalan at sumunod dito, hindi na isinarado ang mga butones.

Ni-lock ko muna ang aking condo bago bumaba papunta sa parking lot kung nasaan si Miss.

Pagkababa ko ay nakita ko na nandoon siya habang nakahalukipkip at nakasandal sa pintuan ng kotse. Inangat nito ang tingin sa akin at magsasalita na sana ng muli itong napapikit.

"You came outside with three buttons down?!" Asar na saad nito habang nakapamewang kaya napamaang naman ako. Wala naman tao dito kaya anong kinaiinis na naman nito?

"So? It's 4am, Faby," sabi ko at umirap. "Let's go." Saad ko. Umirap naman ito bago ako pagbuksan ng pabalang ang pinto. Napailing ako.

Bago ako pumasok ay hinalikan ko muna ito sa pisngi na dahilan ng pagpula ng mukha nito. Natawa naman ako sa reaksyon nito. She's cute!

Splintered Heart (Eastwood University Series #1) ✔️Where stories live. Discover now