Chapter 33

20.4K 577 143
                                    

Agad namin nakita sila Dione at iba ko pa na pinsan na ngayon ay mukhang kakadating lang din dito. Nagulat pa nga ako ng makita ang dalawang professor o yung kaibigan ni Ma'am. Si Ma'am Costales and Ma'am Gomez, na ngayon ay nakahalukipkip lang sa gilid habang naghihintay.

Itinabi ni Ma'am ang kotse sa tabi ng mga ito bago bumaba. Bumaba na rin naman ako para kunin yung gamit namin at yung ibang pinamili.

"No, get those bags. I'll be carrying those." She uttered and get my bags. Hindi na ako nag-reklamo at kinuha na lang yung pinamili namin.

Pagkakuha ko ay lumapit ako kila Dione, na ngayon ay may mapang asar na ngiti sa kanilang mga labi kaya kumunot ang aking noo.

Ibinigay ko sa kanila ang supot at agad din naman nila kinuha 'yon ng walang sabi.

"May Pringles?" Si Felicity habang tiningnan ang mga plastic bags. Napakagat labi ako ng mapagtanto ko na hindi ako nakabili ng gusto niya.

"I forgot to buy, Felicity..." Mahina at maliit ang boses kong turan dahilan ng pagtaas ng tingin nito sa akin. Ngumuso ito bago tumayo at tumango sa akin.

"Okay lang. Sino ba naman kasi ako para ilibre?" Madamdamin na saad nito kaya napamaang ako. Ang arte nito!

"Here."

Napabaling kami ng tingin kay Ms. Costales na may hawak na Pringles habang inaabot kay Felicity. Lumingon naman si Felicity dito ng may malawak na ngiti ngunit agad din napasimangot nang makita ang inaabot nito.

"I don't like that flavor!" Sigaw nito at agad na humalukipkip. Muli akong napamaang dito. Mas maarte pa siya sa akin!

"Akin na lang, Miss. Pagkain 'yan, 'di pwedeng tanggihan," sabat ni Soleil at tumayo sa kinauupuan niya para pumunta kay Miss Costales.

Ngunit bago pa nito makuha ang Pringles ay hinablot na iyon ni Felicity ng nakasimangot.

"No!" Sabi nito ng nakasimangot. Niyakap nito ang pagkain, "I don't like this but I appreciate it." Mataray na asik nito habang hindi tumitingin kay Ma'am. Napailing ako. Ang dami niyang arte.

Bumaling ako kila Dione, na ngayon ay kumakain na. Tumingin din naman ang mga ito sa akin ng may mapang-asar na ngiti. Namewang ako.

"Ano na naman?"

"Nagkainan— este, kumain na ba kayo on the way niyo dito?" Si Soleil habang pataas-taas ang kilay. Kumunot ang aking noo.

"Hindi pa," sabi ko at umiling. Lalo lamang silang ngumisi at tumingin sa isa't isa ng makahulugan. Mang aasar na naman sila, alam ko na 'yung ganang tinginan.

"Ay weh?" Si Dione.

"Duda ako diyan." Si Soleil. Nakasimangot na naman ako sa mga ito at pinagkrus ang mga braso.

"Sure na ba kayo dyan?" Mapag akusa na sabat ni Felicity kaya namewang ako at sinamaan sila ng tingin.

"Aba, marunong pa kayo sa may-ari ng tiyan!" Mataray kong asik at inirapan ito. Humagalpak naman sila ng tawa habang nakain kaya ayon, nabulunan sila. Deserve.

Naramdaman kong may tumabi sa akin kaya lumingon ako para tingnan kung sino 'yon.

Si Miss na ngayon ay tinitingnan ang plastic bag at tila may hinahanap.

"Where's my Pepsi?" Tanong nito sa akin. Tiningnan ko naman ito ng nakakunot ang noo bago bumaling sa kotse nito.

"It's on your car?" Sabi ko. Tumalikod naman ito at tumango para pumunta sa kotse nito ngunit bago ito makaalis ay nagsalita si Ma'am Costales kaya bumalik ito sa pwesto.

Splintered Heart (Eastwood University Series #1) ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon