Chapter 44

20.4K 497 66
                                    

Author's Note:

Trigger Warnings! (again): Gun and blood.

This chapter is not for everyone. You can skip the chapter if you're not comfortable reading it.
















It's been three days.

Three days since Adira got hospitalized and I haven't done anything aside from being a professor at the university and going to Adira's room as soon as my work is done. They are still monitoring her and thankfully, she's still stable and there's nothing to worry about.

I'm currently in my car right now, wiping my revolver while waiting for the clock to strike at 11am. I'm near Arcilla's house, watching what he's doing. I looked at my wrist watch and saw that I still have 10 minutes to execute my plan.

Nilagay ko ang baril sa tabi kong upuan at kinuha ang aking black zippo. I played with it, opening and closing it while waiting for his men to leave the house.

Tatlong tao lang naman ang nasa loob ng bahay nito. Pwede ko na rin naman pasukin ang bahay ang kaso, pakay ko lang talaga si Arcilla ang makausap. He's one of the reasons why my Adira is lying on that bed.

Ilang minuto lang ay lumabas na ang mga tauhan na kanina lang ay nasa loob at sumakay na sa kanilang kotse para umalis.

May nakita pa ako na may dala silang dalawang suitcase na alam ko ang laman sa umpisa pa lamang. I know those men and money laundering is not new to me anymore.

Muli akong tumingin sa bintana nito at nakita na may kausap pa ito sa telepono niya. Kita ko kasi ang anino nito dahil sa ilaw na bukas pa rin sa kwarto nito.

Napabuntong hininga ako at kinuha na ang baril sa tabing upuan. Lumabas na ako ng sasakyan habang hawak ang baril sa kaliwang kamay at sa kabila naman ang aking zippo na binubukas-sara ko pa rin kaya naglilikha ito ng ingay sa tahimik na lugar.

Walang emosyon akong papunta ngayon sa gate ng bahay nito. Nilagay ko ang password ng gate nito na kanina lang ay na-hack ni Paolo bago sila bumalik ng Sicily.

Matapos kong mailagay ang code nito ay agad na akong pumasok at dumiresto sa pintuan ng bahay nito.

Nang makapasok ay agad kong pinalibot ang aking mata sa buong bahay at hindi mapigilan na napangiwi sa naamoy na amoy ng bahay nito. Kasing baho ng pagkatao niya ang bahay niya. Walang pagkakaiba.

Napailing ako sa naisip at dumiresto sa kusina nito para kumuha ng baso at isang bote ng wine bago pumunta ng living room at doon inumin iyon. Madilim na at ang tanging liwanag na makikita na lamang ay ang ilaw galing sa kusina.

Gumalaw ako sa bahay nito na para bang bahay ko ang pinuntahan, sapat na para marinig nito ang ingay na aking ginagawa.

Nagsalin ako ng wine sa baso at agad na sumimsim doon. Napasandal ako sa sofa at tumingin sa kisame, waiting for him to go downstairs.

Napahinga naman ako ng malalim marinig ang mga yabag nito pababa ng hagdan, mabagal at hindi nagmamadali and it just making my blood boil.

Patuloy ko lang naman pinapaikot sa aking kamay ang baso habang pinapanood ang kisame. Narinig ko naman na nakasampa na siya malapit lang sa aking pwesto. Narinig ko ang pagkasa nito sa baril, na lalong nagpangisi sa aking isipan. 

Now, he knows how to cocked a gun.

Wonderful.

"Who are you?" Maririnig sa boses nito ang galit at tapang kaya lalo akong napangiti, ang tingin ay nasa itaas pa rin.

Pinaikot ko ang baso, "Someone you should fear," malamig kong saad bago napa buntong hininga, "How fascinating that you already forgot my name after a few days of our encounter, Arcilla."

Splintered Heart (Eastwood University Series #1) ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon