Chapter 11

25.4K 828 92
                                    

Pagkapasok na pagkapasok ko sa bahay ay nagulat ako nang madatnan ko si Dad na nainom ng kape sa may kitchen counter, halatang may hinihintay. Nilibot ko pa ang aking tingin sa sala para sana mahanap si Mom pero bigo ako na makita ito. Siguro ay nasa ospital pa si Mom kaya hindi ko pa nakikita ito ngayon dito sa bahay. 

Nang mapansin ni Dad na pumasok ako ay agad itong ngumiti ng pagod at binati ako while asking me to come over to him.

"Hello there, princess." Sabi nito at tumayo para hagkan ako sa aking ulo. Napangiti naman ako at umupo sa tabing upuan nito.

"Where have you been?" Tanong nito sa akin at tiningnan ako ng mabuti, "You look happy." Pagbigay nito ng pansin sa aking aura kaya napapangiti akong napayuko ako.

"I just got home from school at naglibot saglit sa mall," saad ko dito at ngumiti. Ngumiti naman ito pabalik sa akin at sumimsim ulit sa kape niya. He looks really tired.

"It's Saturday. What are you doing at university?" Nagtataka nitong tanong nang mapagtanto na Sabado ngayon.

Dahil dito ay na-excite ako na i-kwento sa kaniya ang nangyari sa university kanina ngunit bago ko pa mai-kwento ay tumunog na ang cellphone nito.

Napabuntong hininga ito nang makita ang pangalan ng hospital. My Dad looked at me, asking permission if he could take the call so I nodded and smiled at him, allowing him to answer the call. It must be important. 

"Yes?" Sagot nito sa mahinahon na boses kaya tumalikod ako dito, kunwari ay hindi nakikinig sa kanilang pinag uusapan. Paniguradong wala na naman silang pahinga sa trabaho. Dati naman ay hindi ganito ang kanilang trabaho at minsan ay nakakapag outing pa kami. 

I heard him sigh for the nth time, "Okay. I'm on my way." Sabi nito at tumayo na. Bumaling ito sa akin at nagmamadaling nilagay sa sink ang mug na ininuman ng kape niya.

"I'm sorry, princess, but I need to go back at the hospital. They need me there." Paumanhin ni Dad at hinalikan ang aking noo. Naglakad na ito patungo sa pintuan without looking my way.

"Oh..." I trailed as I look down, "O-Okay, then. Take care, Dad!" Pilit kong pinasigla ang aking boses habang sinasabi 'yon at ngumiti ng pilit. Hindi na ito lumingon at dire-diretso nalang itong lumabas at pinaandar ang kotse.

Nang mawala na sa aking paningin ang sasakyan nito ay matamlay akong bumalik sa loob at dumiretso na sa aking kwarto. Hindi ko maiwasan na malungkot kasi kung dati all of them are here listening to my stories or what happened to my day. 

I sighed. Nasanay siguro ako na lagi nilang pinapakinggan ang mga kwento ko sa mga naging araw ko kaya ako nakakaramdam ng ganito. Gayunpaman, pinasigla ko ang aking sarili at inisip na may ibang araw pa naman na pwedeng i-kwento sa kanila ang nangyari kaya okay lang! 

Pumanhik ako pataas at nagsimula nang maglinis bago magpahinga. 











"Adira!" 

Isang malakas na katok sa aking pinto at malakas na boses ang naging dahilan ng pagkagising ko sa umaga. I sighed. Pwede naman siguro sila manggising ng hindi nilalakasan ang boses, 'di ba?

"Hoy, Adira Fayre! Gumising ka diyan! Sisirain ko talaga 'tong pinto. Tanghali na, myghad!"

Nang marinig ko ang boses na iyon ay wala sa sariling napairap ako. Napakalaki talaga ng bunganga ng babaeng 'yon!

Splintered Heart (Eastwood University Series #1) ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon