Chapter 40

20K 499 124
                                    

"Adi! Dito ka!"

Napalingon ako sa tumawag sa akin at nakahinga ng maluwag nang makita ko ang aking mga pinsan kasama si Dione sa isang lamesa.

Lumapit ako sa mga ito at umupo sa tabi ni Ate Sid at Dione kaya napapagitnaan nila ako. Nakita ko ang pagsimangot ni Ate Sid ngunit ngumiti din ng pilit ng lumingon ako sa kaniya. Natawa ako. Bumaling naman ako sa iba pa naming kasama para magtanong.

"Bakit hindi pa kayo na-order?" Tanong ko at nilibot ang tingin sa aming pwesto. Lumingon naman sa akin si Soleil at ngumiti ng malawak.

"Hinihintay ka namin," napamaang ako sa sinabi nito and chuckled afterwards.

"You guys are waiting for me? E kasama niyo si Soleil at Dione." Natatawa kong saad at bumaling sa aking katabi. Nakatingin lang naman sila sa akin ng naguguluhan.

"What do you mean?" Si Felicity, na may hawak na naman na Pringles at masayang kinakain 'yon. Napangiwi ako sa nakita. Saya yarn?

"Hindi nakakatagal ng ilang minuto 'yang dalawa dito ng hindi kumakain," labas sa ilong kong saad at umiling sa mga 'to.

Hindi naman nila mapigilan na tawanan ang dalawa dahilan ng pagbusangot ng mga mukha nito. Nag sorry naman ako afterwards kaya nginitian lang nila ako.

"Pasalamat ka, broken ka pa ngayon kung hindi aba, baka nahampas na kita."

Dahil sa sinabi na iyon ni Dione ay agad din bumusangot ang aking mukha bago mapanguso. Foul 'yun a!

Napabaling naman ako kay Kuya Tyson nang magsalita ito.

"Libre mo kami ngayon, Adi," maligayang saad nito at pumalakpak pa kaya napaawang ang aking labi bago nanlaki ang mga mata at umiling bilang 'di pagsang-ayon sa mga ito.

"Ang kakapal ng mukha niyo, mas mayaman pa kayo sa akin!" Nakabusangot ang mukha na sabi ko at inirapan sila.

"Dali na! Ngayon lang eh!"

Nandiri naman ako sa nung makita na nakanguso ito habang nakatingin sa akin. Natatawang binato ko ito ng tissue bago tumango dahil pati si Dione ay kinukurot na ako sa tagiliran. Napakasakit.

"Oo na! Kumuha na kayo doon!" Sabi ko ng nakabusangot ang mukha kaya dali dali silang pumunta sa counter para um-order.

Napabuntong hininga akong sumunod sa kanila at nag-stay lang sa likod habang hinihintay sila. Napaawang ang aking labi ng marinig ang mga in-order ng mga ito.

"Two-piece chicken and a coke po, Ate! Pasamahan ng rice, ha! 'Yung madami!" Kuya Tyson.

"Two plates of carbonara and 2 sandwiches. Pakisamahan po ng dalawang pineapple juice!" Ate Sid.

"Same po nung order ni Kuya Tyson! Pakidoble lang po yung chicken! Kung may Pringles po diyan, pakisama na rin." Felicity.

"Tatlong sandwiches, Ate. Tapos dalawang chicken din pero spicy, hehe! And coke po!" Dione.

"Katulad lang po ng order ni Kuya Tyson and ni Sidra. Pakidoble po lahat! Thank you!" Soleil.

Nakanganga lang akong pinapanood sila hanggang sa dumako ang tingin sa akin ni ateng tindera, hinihintay ang aking order. Still in disbelief, sinabi ko ang order ko.

"Carbonara and a juice lang po," sabi ko bago tumingin kila Soleil ng nakanganga. Nakita ko naman na naguguluhan na nakatingin sila sa akin kaya nagsalita si Soleil.

"'Yun lang order mo, Adi?" Nagtataka nitong tanong kaya agad ko itong sinamaan ng tingin at sumimangot.

"Hindi ba kayo pinapakain sa bahay at kung maka-order kayo akala niyo fiesta!?" Iritado kong saad imbes na sagutin ang tanong ni Soleil.

Splintered Heart (Eastwood University Series #1) ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon