Chapter 25

25.6K 665 230
                                    

Kunot noo kong tiningnan si Aspen na ngayon ay malamig na nakatingin sa lalaking nagngangalang Chase. Nakangiti lang naman ang lalaki ngunit si Aspen ay mukhang bibigwasan na ang nasa harap, isang maling galaw lamang nito.

Pinisil ko ang kamay nito na hawak ko para kumalma ito. Nang maramdaman niya iyon ay napahinga siya ng malalim at bumaling na sa lalaki, hindi nawawala ang sama ng tingin nito.

"It's fascinating that you still know my name after all these years." Hindi ko malaman kung sarcastic ba ang pakakasabi niya noon o hindi. Nakangiti pa rin kasi ito ng misteryoso kaya hindi ko matukoy ang mga ginagawa nito. Patuloy ko lang siya tinitigan.

"Of course," walang emosyon na sambit nito at tumayo sa kinauupuan, "I will never forget you after doing those horrible things that you've done, Chase." Nagtitimpi na saad nito. Nabitawan nito ang aking kamay kaya nakita ko na nakakuyom ito ngayon at bahagyang nanginginig. Natawa ang kausap.

"Oh come on, Fabrizia..." sabi nito na mukhang natutuwa sa nangyayari. "It's already been, what? 10 years? Come on, it already happened. Besides, your father already forgive me so..." Dagdag nito at nagkibit balikat pa habang nakangisi. He is playing with fire.

Tumayo at naglakad papalapit dito si Aspen while giving him the look that will make people shiver in nervousness. Umatras naman si Chase at napalunok but still has his annoying smile attached on his face.

Nang makalapit si Aspen dito ay bahagya itong yumuko at bumulong sa tainga nito. Nakita ko na napalunok ito at tumango tango ng mabilis na akala mo'y maamong tuta. My forehead creased because of curiousness. What did she say?

Naglakad na papalayo ang lalaki, siguro ay doon sa kasamang lamesa ng tatay ni Aspen kaya nakahinga na ako ng maluwag. Mukha palang kasi nito ay kinakabahan na ako.

Bumalik na si Aspen sa kinauupuan niya at muling hinawakan ang aking kamay sa ilalim ng lamesa. Bahagya akong lumapit dito at bumulong.

"Are you alright?" Bulong ko. Tumingin naman ito sa akin at ngumiti ng pilit. Pinisil nito ang aking kamay sa ilalim ng mesa at bumuntong hininga.

"I'll be fine."



Nagtagal kami dito ng hindi naf-feel na birthday ni Felicity. Paano naman kasi?

Puro business associates lang ang nakikita namin dito, ni hindi man lang ipinakilala si Felicity, na dahilan ng party na 'to. So, ito kami ngayon. Tahimik lang na nakaupo sa lamesa namin, not doing anything, hindi rin kami nag-uusap. It's so boring!

"Gosh, lagi na lang ba ganito birthday party ni Felicity?" Pagrereklamo ni Ate Sid while playing with her hands. Natawa naman ako sa sinabi nito. Katulad kasi ng ibang pinupuntahan namin na party ay ito na naman ang overdressed sa aming magpipinsan kaya ganito na lang pagrereklamo nito.

"It's so boring, goodness. When will it start?" Nababagot na saad ng katabi ko while playing my fingers sa ilalim ng lamesa. Napabuntong hininga ako bilang tugon dito. Bumaling naman ito sa akin, "When will it start? It's 5pm already." Dagdag nito napailing naman ako.

"It already started." I uttered that made her mouth agape and looked at me in disbelief. Magsasalita na sana ito ng may kumulbit sa aking likod. Lumingon naman ako at nakita si Ms. Costales doon na masama ang timpla ng mukha.

Right, katulad kasi ni Aspen, nandito rin si Ms. Costales, actually pati na rin si Ms. Gomez dahil ang mga magulang din ng mga ito ay in-invite din ng tatay ni Felicity.

Nagtataka akong tumingin dito. "Bakit po, Miss?"

"Can I talk to you for a bit?" Tanong nito, still emotionless. Tatango na sana ako ng magsalita ang aking katabi.

Splintered Heart (Eastwood University Series #1) ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon