Chapter 23

27.2K 730 132
                                    

"Ayan, tanga!"

Sigaw ni Dione ng nakitang nadapa si Ace sa P.E habang ako ay pinipigilan na tumawa kanina pa. Punishment kasi naman ito kay Sir dahil na-late kami sa klase niya.

Kanina pa kami natapos sa pagtakbo habang si Ace naman ay tumatakbo pa rin hanggang ngayon. Nag yabang pa kasi ito kanina na pag nasa 3rd lap na kami ay tsaka daw siya tatakbo tapos aabutan niya daw kami. Kaya ayan, nasa 4th lap pa lang siya at hinihingal na.

Maya maya din ay natapos na si Ace at dumiresto papunta sa amin. Hingal itong umupo sa upuan at uminom ng tubig. Tumawa naman si Dione ng mapang-asar dito at binelatan. Napailing ako sa nakita.

Nang pinaalis na kami ni Sir ay agad na pumunta kaming bathroom para maglinis dahil sa pawis. Tumigil ako ng may narinig na parang tili sa kabilang banyo kaya pinatay ko ang shower para makinig.

Narinig ko na may pinag-uusapan lang naman ito na lalaki kaya akmang bubuksan ko na ulit ito ng marinig ko ang pangalan ni Ms. Aspen.

"Nakita ko nga na binigyan niya ng bulaklak si Ms. Ferrucci kanina. Kilig teh!"

Nangunot ang aking noo sa narinig. Sinong lalaki ang nagbigay kay Miss Aspen ng bulaklak? Buhat doon ay nakasimangot ako habang naliligo. Tsk.

Lumabas ako ng banyo at nakita na nandoon si Dione na mukhang inaantay ako. Nakita nito ang nakabusangot kong mukha kaya naguguluhan itong tumingin sa akin.

"Anong nangyari diyan sa mukha mo?" Tanong nito habang nakakunot ang noo. Napairap naman ako.

"Wala." Labas sa ilong kong sabi at sinukbit na ang aking bag sa balikat. Narinig ko naman itong bumulong ngunit sumunod na sa akin para lumabas.

Naglalakad pa rin kami hanggang sa may tumawag sa akin. Nilingon ko ito at nakita ang isang humahangos na estudyante na natakbo papunta sa akin. Kumunot ang aking noo. Ano na naman?

"T-Tawag ka ni Miss Ferrucci sa office niya." Lalong kumunot ang aking noo. May klase ako in like, ten minutes!

Tatanggihan ko na sana ito ng unahan ako nito sa pagsasalita. Inis!

"Sabi niya urgent daw." Mabilis na saad nito at umalis na sa aking harapan. Napairap ako sa kawalan.

"Pumunta ka na doon at baka kailangan ka," sabi ni Dione habang nakatingin sa akin ng nang-aasar. Sinamaan ko ito ng tingin. Wala ako sa mood ngayon!

Irita akong naglalakad papunta sa office nito. Hindi ko alam basta nalang ako naging badtrip sa narinig. Tss. Ano naman kung bigyan siya ng bulaklak e may garden kami sa bahay? Baka 'yon ang ibigay ko pa kay Ma'am.

I rolled my eyes at the absurd thought.

Maya maya ay nakarating na ako sa office nito. Pumasok ako ng hindi kumakatok kaya naman ay nagulat ito. Sinamaan ako nito ng tingin kaya lang mas badtrip ako kaya sinamaan ko din ito ng tingin. Bumaling ako sa lamesa nito sa may sofa at sinamaan ang tingin ang bulaklak na nakalagay doon. Narinig ko itong bumuntong hininga kaya napatingin ako dito, hindi nawawala ang sama ng tingin.

"Please knock next time," saad nito at naglakad papunta sa akin. Napatigil ito sa paglalakad ng magsalita ako.

"What is it, Miss?" Mataray kong asik at pinagkrus ang mga braso na dahilan ng pagkunot ng noo nito.

"What's with the attitude, missy?" Magkasalubong ang kilay na tanong nito kaya napairap nalang ako.

"I have class in ten—"

"I already told you that do not roll your eyes on me, right?" Madiin na saad na sabi nito at lumapit sa akin. Huminga ito ng malalim na tila pinapakalma ang sarili. Lumapit ito sa akin at pinaupo ako sa sofa nito.

Splintered Heart (Eastwood University Series #1) ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon