Chapter 22

27.2K 684 149
                                    

Kasalukuyan akong nasa library upang mag-review para sa darating na midterms next week. Hindi man lang ako sinamahan ni Dione kesyo ay may pupuntahan daw itong importante. Basta talaga magr-review ayaw niya tapos puro reklamo na pag nahihirapan na siya.

Kakatapos lang ng aming lunch break kaya dumiretso na ako dito, wala din daw kasing professor ngayon dahil daw may meeting ang mga ito. Dumadalas na ang mga meeting ng professors ngayon sa hindi malamang dahilan.

I was drinking my milk tea nang may napansin ako na may nakatayo sa aking harap. Inangat ko ang aking tingin at bahagyang nagulat ng makita doon si Kale.

Ganoon pa rin ang itsura ng mga mata nito ngunit medyo maayos na ang pananamit, gayunpaman, nakaramdam pa rin ako ng kaba dahil wala akong kasama sa ngayon.

"Kale." I let out a nervous smile while looking at him. Namulsa naman ito at hindi sinasalubong ang aking tingin.

Nakayuko ito habang kinakamot ang batok, "W-What are you doing here?" Dagdag ko, feeling uncomfortable with him on a same area.

"I'm sorry for what happened last week..." Panimula nito habang hindi makatingin ng diretso sa akin.

Oo, last week pa nangyari ang ginawa nito. I was actually waiting for him to apologize pero um-absent ito ng isang linggo at hindi nagparamdam. Kumunot ang aking noo at binalik ang tingin sa binabasa.

"It's fine," I said and drank my milk tea. Just by the sight of him, I'm already nervous.

"Can we talk outside if you don't mind?" Marahang tanong nito. Pagkatanong nito ay bumalik ang takot sa aking sistema. Hindi rin kasi maipagkakaila na nagdala na ito ng takot sa akin dahil sa nangyari.

Ganon pa man ay pumayag ako sa hiling nito dahil kaibigan ko pa rin naman siya. I deserve an explanation about why did he do that.

Sinarado ko ang aking librong binabasa at ibinalik iyon sa shelf. It's good din na sa labas kami mag uusap. I'm not comfortable to be with him in a private place. Kahit na matagal ko na siyang kaibigan, last week's encounter put me a very scary experience. Hindi ko talaga siya makilala nung time na iyon.

Bumaling ako kay Kale na ngayon ay may tinitipa sa kaniyang cellphone habang nakakunot ang noo. Lumapit na ako dito para makalabas na kami.

"Who are you texting?" Tanong ko pagkalapit dito. Naging balisa naman ito at mabilis na itinago ang cellphone.

He nervously smiled at me and shook his head. Nauna na akong maglakad dito para makalabas. Sumabay naman ito sa akin.

"What are we going to talk about?" Mahina kong saad habang naglalakad kami papuntang field. Papunta kami ngayon sa paborito naming spot na pinagtatambayan namin kasama si Dione.

Nakikita ko sa aking gilid na sinimulan niya nang paglaruan ang kaniyang mga daliri, shows that his nervous about something.

"I want to tell you s-something." Nauutal nitong saad. Nakarating na kami sa pwesto namin kaya tumayo kami sa tabi ng puno at saka doon siya binalingan.

"What is it?" Tanong ko habang nakatingin sa kaniya. Nagsalubong ang aking mga kilay sa nakita. His face looks scared and nervous. Para siyang hindi mapakali na hindi ko alam. He is totally acting strange!

"You alright?" Kinakabahan man sa nakikita ay tinanong ko pa rin ito. Nakita ko na tumango ito and let out a deep breath.

"I-I actually d-don't know how to start." Nauutal nitong saad at inis na napahilamos ng mukha. Gamit ang isang kamay ay nakalagay ito sa kaniyang kabilang bewang habang ang isang kamay ay nakatakip sa may bibig.

Splintered Heart (Eastwood University Series #1) ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon