Chapter 5

28K 887 178
                                    

Dumating na kami sa venue kung saan gaganapin ang birthday party ni Tito Homer. As soon as nakapasok na kami sa loob ng venue ay makikita na ang mga mayayaman at sikat na businessman. Kahit mga sikat na mga doctors ay nandito.

Nailang ako sa tingin ng mga tao kaya dali dali akong yumuko at pinaglaruan ang mga daliri. I'm not really fond of parties kasi maraming tao. Iisipin ko palang na makikipag-usap ako sa marami ay nakakapagod na.

Mabilis kong nilibot ang aking paningin para hanapin ang aking mga pinsan upang hindi mailang sa mga tingin ng tao. Pag kausap ko kasi ang mga ito ay hindi ko na napapansin ang mga tingin ng mga tao dahil naka-focus na ako doon sa pinag-uusapan namin.

Nakita ko naman si Felicity na nandoon sa isang lamesa na siya lang mag-isa ang nakaupo kaya nagpaalam ako kay Dad na pupuntahan ito. Tumango na lang ito kaya agad na ako pumunta kung nasaan si Felicity.

Umupo ako sa katabi nitong upuan. Napapitlag ito dahil siguro ay hindi nito inaasahan na may uupo. Kanina pa kasi ito na parang lutang kaya nilapitan ko ito para hindi siya mukhang tanga na nakatulala. Bait ko 'di ba?

Handa na niya sana ako singhalan pero nang makita niya na ako ang umupo ay bigla itong nanlaki ang mata at sinabing, "Paano mo nakuha 'yung tumbler?" Agad nitong tanong kaya napairap ako bago tumango.

"Saan mo nakuha?" Pagtatanong nito na may halong takot sa kanyang mukha. Napa buntong hininga ako. Importante siguro ang mga nakasulat doon kaya ganito na lang siya kabalisa.

"Kay Ms. Costales. Buti nalang professor mo nakakuha at hindi sa estudyante dahil kung ang nakakuha noon ay estudyante ay paniguradong hindi na naibalik 'yon." Mahabang salaysay ko habang nakatingin sa kaniya ng mariin.

Panigurado talaga na hindi maibabalik sa kaniya kasi syempre hindi alam kung kanina iyon.

Nanlalaki ang mata nito ng tingnan ko.

"O bakit?" Taka kong tanong habang magka salubong na ang kilay na nakatingin dito.

"Sa kaniya? P-Paano niya nakuha?" Utal-utal na tanong nito kaya lalong kumunot ang aking noo habang nakatingin dito.

"Nino?"

"Ni Miss Costales, malamang! Doon mo nakuha 'di ba?" Inis nitong sabi kaya nilakihan ko ito ng mata. Ba't nagagalit?

"Aba! Ang sabi sa akin e iniwan mo daw doon." Naningkit ang mata ko dito, "Paano ka nakarating sa office ng professor, huh? You know we're not allowed in there." Nanlaki ang mata nito sa aking sinabi.

"Paano mo nalaman na nasa office niya ako?" Kinakabahan na tanong nito kaya gulo ko itong tiningnan.

"Duh, malamang! Sinabi ni Miss sa akin! Alangan naman napunta lang iyong tumbler mo doon ng hindi ka pumunta." Sabi ko bago irapan ito.

"Ah. H-Hehe. O-Oo nga." Sabay tawa niya ng pilit kaya yung mga mata niya ay nawawala na sa sobrang pilit na ngiti nito.

Anyare dito?

Bago pa ako makapagtanong dito ay lumapit na sila Ate Sid at ang iba pa naming mga pinsan.

"Adi!" Maangas na tawag sa akin ni Ate Sid at agad na niyakap ako. Ginantihan ko din naman ito at binigyan ito ng malawak na ngiti.

"Woah. My cousin is slaying it, gosh! Ikaw pala yung pinag-uusapan ng mga tao doon sa may entrance." Sabi nito after akong pasadahan ng tingin at tumili pa.

"Ano ba, Ate? You look gorgeous too." Sabi ko dito ng may ngiti sa aking labi. Humalakhak naman ito sa aking sinabi and flick her hair.

"Well, yes, I know." Mayabang na sabi nito.

Splintered Heart (Eastwood University Series #1) ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon