Chapter 31

21.3K 610 80
                                    

"Mabuti naman at mukha ka nang tao ngayon!"

Ayan kaagad ang bungad ni Dione sa mga bagong dating habang nakaharap kay Kale ng nakapamewang. Napailing ako at kumain na lang ng binigay ni Ate Sid.

"What? Do I looked like I'm not human?" Asar na saad ni Kale at tumingin ng masama kay Dione. Tumingin naman ito sa aking direksyon kaya napaayos ako ng upo.

May naramdaman naman akong umupo sa aking kabilang side kaya lumingon ako dito.

Nakita ko si Ms. Aspen, na ngayon ay malamig ng nakatingin sa mga bagong dating, specifically kay Kale. Kinuha ko naman ang atensyon nito.

"Where have you been?" Tanong ko at sumubo ng carbonara. Binaling nito ang tingin sa akin bago iabot ang sprite na dala. Kinuha ko naman 'yon at binuksan bago ito ngitian ng maliit.

"I told you, I talked to the officer, right?" Sabi nito habang sa akin na nakatingin. Tumango tango ako at kumain na ulit. Nang susubo na sana ako ng aking pagkain ay napatigil ako ng may nakita ako na may nasa aking harap.

It's Kale and my band mates, standing in front of me. I stopped and put my plate at the table.

Tahimik lang akong nakatingin sa kanila ng magsalita si Jake. Bumaling ako dito.

"Condolence, Adi." sabi nito kaya nginitian ko ito ng pilit. Bumaling muli ako kay Kale, na ngayon ay nakatingin na ng masama kay Miss. Si Miss naman ay tila walang pakialam habang hawak lang ang cellphone. Lihim akong napangiti.

"I'm sorry for your loss, Adira."

Nabura ang aking ngiti ng marinig ang boses ni Freyja na nagsalita. Bumaling ako dito na walang makikitang emosyon sa mukha bago tumango.

"You guys can sit. Kakain pa lang kasi ako." sabi ko sa mga ito kaya umupo na sila sa tapat lang namin nila Ate Sid. Umupo rin naman si Dione sa tabi ni Ate Sid.

Maya maya din ay natapos na ako sa aking pagkain kaya nilagay ko ito sa lamesa na nasa harap. Nilibot ko ang aking tingin sa mga ito.

Tahimik lang kami ni Miss sa harap ng aking mga parents habang ako'y kumakain. Sila naman ay may sariling usapan kaya wala akong nararamdaman na tension or awkwardness ngayon.

I looked at Freyja and observe her actions. She is talking to Kale and they seem very close para sa ngayon lang ata nagkita na tao. I tilted my head.

Mukhang naramdaman ni Freyja na may nakatingin sa kaniya kaya nilibot nito ang tingin hanggang sa mapadako ang mata nito sa akin. Agad naman itong ngumiti sa akin kaya ngumiti din ako ng peke dito.

Magsasalita na sana ako ng tinawag ako ni Kuya Caleb, na ngayon ay kasama na si Ate Belle. Agad akong tumayo para salubungin ang mga ito.

"Saan kayo galing?" Tanong ko ng makalapit dito. Ngumiti lang naman sila kaya kumunot ang aking noo. Anong klaseng sagot 'yon, Kuya?

Bumaling ito kay Ms. Aspen habang seryoso ang mukha. Lalong kumunot ang aking noo.

"Ms. Ferrucci, your parents are here." Sabi ni Kuya kaya bumaling ako kay Ms. Aspen, na ngayon ay nakatayo na habang papalapit sa amin. Nakakunot ang noo nito at namulsa sa suot na slacks.

"Where are they?" Tanong nito. Sasagot na sana si Kuya ng may magsalita ng malakas sa likod nito na nagpaptilag sa akin.

"Fabrizia, you didn't tell us you're here!" Bungad ni Mr. Ferrucci kaya napalayo ako kay Ma'am. Lumapit kasi ito dito at yumakap.

Lumapit ako sa aking mga kapatid para bigyan ng privacy ang mag anak pero nang makalapit ako sa aking dalawang kapatid, na ngayon ay nakangiti ng nang-aasar. Nagsalubong ang aking kilay. Ano na naman ba?

Splintered Heart (Eastwood University Series #1) ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon