Chapter 19

23.3K 810 163
                                    

"How long are you going to avoid her?"

Napatigil ako sa pagbabasa ng bigla na lamang bumungad sa akin si Dione na may hawak na iced coffee. Nandito ako ngayon sa pinakalikod ng library, nagtatago. Lunch break namin ngayon kaya dumiretso kaagad ako dito. Wala naman kasing naggagawi dito na estudyante kaya imposible na mahanap ako ng taong pinagtataguan ko ngayon. Kilala niyo naman siguro 'yung pinagtataguan ko.

Binigyan ko lang ng blankong tingin si Dione at bumalik na sa pagbabasa. Napapadyak naman ito sa sahig.

"Seriously, Adira, talk to her!" She said in a hushed tone at umupo sa ka-tapat na upuan ko. Napailing naman ako dito.

"You know, I can't---"

"You can't or you just don't want to?" Putol nito sa aking sasabihin at binigyan ako ng tingin. Uminom ito sa kaniyang iced coffee. Napabuntong hininga ako sa sinabi nito.

I really don't want to talk to her. Natatakot ako sa magiging reaksyon nito pag sinabi ko ang dahilan kung bakit ko ginawa 'yon.

"You can't just hide here forever! It's been, what? Three days?" Nanlalaki ang mata na saad nito sa akin. "Ano? Balak mong magtago dito for the rest of the school year?" Sabi nito at sumimsim ulit sa kaniyang iniinom. Napailing-iling ako at napabuntong hininga.

"You don't understand kasi—"

"Ipaintindi mo kasi! Ano ba kasing kinakatakutan mo?" Malakas na saad nito na nagpalingon sa librarian sa amin. The librarian sternly glare at us kaya nag-sorry kami dito.

"Huminahon ka nga!" Inis kong saad at hinampas sa braso ito. Napailing naman sa akin ito.

"Tell me, Adira. What are you scared of? I'm your best friend! I mean, one of your best friend," sabi nito at napairap pa sa huli ng maalala na may isa pa kaming kaibigan. Nang maalala ko si Kale ay nanlalaki ang mata na tiningnan ko ito.

"Asan na nga pala si Kale?" Tanong ko. Matagal ko na kasi itong hindi nakakausap kaya nagtataka na ako kung saan ito sumusuot.

Nagkibit balikat lang naman si Dione sa aking tanong at uminom ulit ng iced coffee.

"I don't know. He's been acting weird recently. Hindi ko nga siya maka-usap ng maayos nung last time na nag-usap kami," saad nito habang umiinom pa rin ng iced coffee at kinuha ang cellphone sa bulsa. Tumingin ulit ito sa akin at binagsak ang cellphone.

"You're changing the subject, Adira!" Naiinis na saad nito kaya natawa na ako dito at napailing.

"Deserve ko ng explanation dahil na postpone yung sinasabi na i-rent daw ni Ma'am Ferrucci 'yung isang restaurant! Alam mo bang 'di ako kumain ng gabing 'yon?" Inis na pahayag nito sa mahinang boses kaya natawa na naman ako dito. Naniwala naman siya doon.

"Ito na nga!" Natatawang saad ko dito at tiningnan ito ng kinakabahan. I sighed. Bumabalik na naman ang aking kaba sa dibdib.

"There's a lot of things that I am scared of..." Panimula ko dito. Lumapit naman ito sa akin, giving her full attention on me. Napahinga ako ng malalim.

"I'm scared of how is she going to react when I'm going to tell her my feelings. Scared of others' opinions about me... you know how my family is." Napayuko ako sa huling sinabi. Nagpatuloy nalang ako ng hindi ito tinitingnan sa mukha.

"I'm also scared of how my parents or my entire family will think of me." Nagluluhang saad ko kaya napanguso ako para pigilan ito. I'm such a cry baby!

"Lastly, I'm scared that I'm going to ruin her reputation as a professor." Mahina kong saad at inangat ang tingin dito. Nakita ko na binigyan ako nito ng nakakaawang tingin kaya napayuko ako at napailing. I don't want her to give me that look.

Splintered Heart (Eastwood University Series #1) ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon