Chapter 27

22.3K 656 162
                                    

Malakas ang ulan ngayon sa labas ng dahil sa bagyo. We were just currently watching the drama called New Amsterdam on Netflix while having chips and coke at the table.

Actually, pinilit ko lang talaga siyang manood nito dahil hindi ko pa natatapos panoorin ito last week since wala akong time dahil sa pagr-review kaya ayan, nanonood kami ngayon.

"You really want to be a doctor, hmm?" Tanong nito habang nagtitipa sa laptop na ngayon ay nasa hita niya.

Ang sabi niya kanina ay iche-check niya 'yung grades nung iba dahil kailangan daw ng Dean next week. Sinabi pa nga nito na tulungan ko daw siya ang kaso hindi ko na nagawa dahil busy talaga ako manood nitong current favorite show ko.

Tumango ako sa tanong at ngumuya ng chips. Bumaling naman ito sa akin at tiningnan ang pagkain sa lamesa ng nagtataka.

"You already ate all of it?" Hindi makapaniwalang saad nito at tumingin sa akin ng nanlalaki ang mata. Naguguluhan naman akong tumango dito. "I just got it like 10 minutes ago!"

"So, what?! I'm hungry e!" Nag-aalburotong saad ko at inis na tiningnan. Maya maya ay naningkit ang aking mata nang may napagtanto, "Are you implying that I am a patay gutom?" Her eyes widened in panic before waving both of her hands at me.

"Patay gutom— what?" Naguguluhan itong tumingin sa akin at napapikit. "Whatever that is, no, you're not patay gutom, okay?" Marahan na saad nito at nakalapit ang kamay sa akin na para bang pinapakalma ako. Kumalma naman ako ng konti.

"I'm just shocked that you can eat it all in just 10 minutes," sabi nito at nagkibit balikat. Nakahinga ako ng malalim at bumaling na sa pinapanood. Patuloy lang din naman ito sa tinitingnan kaya nag tuloy tuloy lang ako.

Walang tigil pa rin ang ulan kaya napahikab ako. Shet, sarap matulog nito since malamig.

Bumaling din naman agad ako sa pinapanood at ipinagpatuloy ang ginagawa. The scene came where one of the protagonist came. Well, she's a doctor and literally just doing her job, and she's so hot for that.

"God, Lauren is so hot." Bulong ko at niyakap ang unan na nasa aking tabi. Naramdaman ko ang pagtigil ng isa sa pagtitipa at tiningnan ako. Hindi ko naman ito pinansin at nagpatuloy sa panonood.

There's the exciting part.

"Adira."

Napangiti ako ng makita na nakangiti din ang nasa TV and giggled. She's so pretty.

"Adira Fayre." Narinig ko na tumawag ito sa akin kaya saglit ko itong binalingan at binalik na rin sa TV agad ang tingin.

"Yeah?" Patay malisya kong tanong at kumuha ng chips sa lamesa. Napatigil ako ng may maalala. Oh no, I forgot the movie that Dione was recommending earlier at university.

May narinig akong bagsak sa lamesa ngunit 'di ko ito pinansin at tumingin na sa pinapanood. Mamaya ko na lang isipin kung ano ulit yung movie. Low battery pa kasi phone ko kaya 'di ko pa ito matawagan. Tinatamad din akong mag charge kasi nga nanonood pa ako ngayon.

"Tuazon!" Sigaw ng aking katabi kaya napatalon ako sa gulat. Napahawak ako sa aking dibdib, kahit wala, at tiningnan si Ma'am ng nanlalaki ang mata. Masama naman ang tingin nito sa akin.

"Bakit ka naman nanggugulat, Miss?" Pilit akong ngumiti dito dahil nakakapaso na ang tingin nito sa akin at nakakatakot. Napapikit naman ito.

"I have been calling you for the past 10 minutes yet you're not paying attention!" Sigaw nito kaya muli akong napatalon sa gulat. Bakit ba siya nagagalit? Kunot noo ko itong tiningnan.

Ang OA niya sa 10 minutes.

"Bakit ka nagagalit?" Nakangusong saad bago siya sinamaaan ng tingin. Napahilamos naman ito sa kaniyang mukha at huminga ng malalim.

Splintered Heart (Eastwood University Series #1) ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon