KABANATA 1

2.1K 92 0
                                    

Kabanata 1

        "HEY, YOU WAKE UP?" paggising niya sa lalaking naroon na bahagya pa niyang inuyog-uyog ngunit talagang kahit anong gising niya ay hindi niya magawa.

Batid niyang naka-inom ito, naamoy niya ang alak sa bawat pag-hinga nito.

Napakamot na lang siya sa sariling buhok, habang pinagmamasdan ang binatang nakahimlay sa kaniyang hinihigaan. His new laundry bedsheet. His pillows! Damn it!

Wala na rin naman siyang pagpipilian, hindi naman niya alam kung saan ito nakatira at wala rin naman sa kaniyang kagustuhan na basta na lang itong itapon sa labas ng condo niya. Lalo't he can't resist this man's charm.

Inintindi na lang niya ang binata. Una niyang hinubad ay ang sapatos nito at ang medyas na suot. Like fuck! Gross.

Pagkatapos ay hinubad na rin niya ang damit nitong suot. Saglit siyang napatitig sa katawan nito. Napabaling ang kaniyang tingin sa nipples ng binata. It was pinkish, indeed. His skin was smooth and white. Namumula-mula ang pisngi nito, maging ang mga labi.

Napaka-ganda ng pagkaka-kurba ng labi nito. Manipis na animo'y hinulmang pusa, perpekto ang korte ng makakapal nitong kilay, his proud and pointed nose, perfect jaw, adams apple that keeps on moving up and down. Ang malantik at makapal nitong pilik. Damn!

Hindi niya maiwasan ang bawat pag-lunok na ginagawa niya. At bakit nga ba niya ginagawa iyon? He actually don't know.

Mabilis niyang iniwas ang tingin sa binata. Sinimulan niyang hubarin ang pantalon nito. Tanging boxer short lang ang kaniyang tinira.

Kinuha niya ang mga damit na hinubad niya at inilagay niya sa kaniyang lamugan. 'Yung sapatos naman nitong hinubad niya ay nilagay niya sa sarili niyang lagayan ng sapatos.

Away niya ng makalat, kaya nilinisan niya pati ang pinagkainan nito. Matapos ay humiga siya sa tabi nito, wearing only his fitted boxer.

Lumingon siya at naibaling ang tingin sa binata. Iniisip kung pa'no naparito ang lalaking ito.

Gusto niyang isiping magnanakaw ang lalaki, ngunit sa charming nitong mukha at nagawa pa talagang matulog dito, this man is definitely not a thief.

Siguro dito rin nakatira sa katabi o malapit niyang condo ang lalaking ito, at naiwan niyang bukas ang pinto kaya nakapasok ang lalaking ito.

Napakunot ang kaniyang noo ng yumakap sa kaniya ang binata. Ikiniskis pa nito ang katawan nito sa katawan niya. Yakap siya nito habang ang binti naman nito ay niyakap din nito sa kaniyang katawan.

Napalunok siya sa kakaibang hatid ng pagkikiskisan ng katawan nilang dalawa. Animo'y may kakaibang init ang bumubuhay sa kaniyang katawan.

Bago pa man mangyare ang hindi dapat mangyare. Mabilis niyang tinanggal ang pagkakayakap nito. Gumilong naman ito hanggang sa makarating sa kabilang gilid ng kama.

Tinakpan niya ang kaniyang kamay ng braso at doon ipinikit ang kaniyang mga mata.

Kina-umagahan na alimpungatan ni Brix ang kaniyang sarili na naka-gising. Naipikit-mulat niya ang kaniyang mga mata hanggang sa bumalik na siya sa sariling wisyo.

Namimilog ang kaniyang mga mata ng makabalik siya sa wisyo, unang-unang bumungad sa kaniya ang lalaking nakaharap sa kaniya, pikit ang mga mata nito at halatang mahimbing na natutulog.

"Shit!"

Inilibot niya ang kaniyang mga mata.

Mabilis niyang inalis ang kaniyang kamay ng makita niyang nakahawak ang kaniyang kamay sa sentro ng mismong pagkalalaki ng lalaking nakahiga sa kama niya.

A Gangster's Lover: Series Book 9; Gord LyndonWhere stories live. Discover now