KABANATA 7

1.2K 64 1
                                    

Kabanata 7

          UMAGA PALANG, HINDI PA masyadong sumisikat ang araw ng marinig ni Brix ang pagkatok ng kung sino sa labas ng kaniyang pinto.

Napakusot-kusot siya, gusto pa sana niyang matulog dahil inaantok pa talaga siya, pero wala naman siyang ibang magagawa kundi ang pagbuksan ang kumakatok, lalo't ilang beses na nitong kinalabog ang kaniyang pinto.

Bumangon siya at naiinis na tinungo ang kaniyang pinto. Wala siyang naging pakialam sa kaniyang itsura, kahit pa nga gulo-gulo ang buhok niya at animo'y pinagsakluban ng langit at lupa ang busangot niyang mukha.

Nang mabuksan ni Brix ay bumalaga sa kaniya ang lalaki sa labas ng pinto. Walang iba kundi ang personal chef niya.

"Bakit?" inaantok niyang tanong dito.

Bahagya namang nagulat si Gord ng bumungad sa kaniya si Brix, tanging brief lang ang suot nito. Hindi tuloy mapigilan ng kaniyang mga mata ang maging malayang pagmasdan ang katawan nito.

Maputi, makinis, namumula-mula, medyo katamtaman lang ang katawan, but at the same maskulado parin.

Napalunok siya dahil doon. Heto na naman ang kakaibang sensasyon na namumuo sa kaniyang pagkatao. Ramdam niya ang paniningas ng apoy sa kaniyang kaibuturan. Mabilis niyang iwinaksi ang tingin sa katawan nito, tsaka niya ibinaling sa mukha ng binata.

"I'm here to cook, don't you remember?" he said trying himself to calm.

Niluwagan naman nito ang pagkakabukas ng pinto. "Feel at home," turan nito at tinalikuran na siya at lumakad palayo sa kaniya.

Hindi niya napigilan ang kaniyang sariling mapalunok ng makita niya ang likod ng binata, ang dalawang mayayaman nitong pang-upo na nag-uumpugan, makinis, maputi—God! It looks delectable.

Pigil na pigil niya ang kaniyang sariling 'wag itong sunggaban at gawin kung anoman ang pumapasok sa kaniyang isip. Buti na lang at alam niya ang daan kung pa'no makabalik sa dati niyang katinuan.

Nakita ni Gord na pasalampak na humiga si Brix sa higaan nito. Padapa pa itong nakahiga kaya madali lang para sa kaniyang mga matang pagmasdan ang dalawang bundok na nakatago sa hapit nitong brief.

He looks so hot, so fuckable. he thought.

Ilang minuto bago niya iniwas ang tingin sa binata. Nag-isang hakbang siya, medyo nakaramdam pa ng gulat ng may matapakan. Na kaniyang tingnan, iyon ay walang iba kundi ang pinagbihisan ni Brix.

Pinulot niya iyon, t-shirt, pantalon, short, brief, boxer short, bath towel. At marami pang nagkalat. Naroon din ang pinagbalatan ng mga tsokolate.

Hindi sanay si Gord na makita ang ganito kakalat na condo. Nasanay siyang malinis at hindi dugyot ang condo niya, kaya talagang nakakapanibago.

Agad niyang dinampot ang mga pinagbihisan ni Brix na nakalat lang sa sahig ng condo nito at inipon niya sa isang tabi. Pinulot din niya ang bath towel nito at isinampay sa alam niyang dati niyong kalagyan.

Maging ang mga iba pa nitong basura ay pinulot din niya at itinapon sa basurahan nito. Medyo ilang minuto ang ginugol niya bago niya nalinis ang k'warto nito. Talagang pinagpawisan siya, kaya hinubad niya ang kaniyang damit at isinampay iyon sa isa sa mga bangko doon sa may kusina.

At dahil wala namang apron doon, nag-luto si Gord ng naka-hubad ang kaniyang pang-itaas. Naggayat siya ng mga samya, kasama na doon ang sibuyas.

Simple lang ang lulutuin niya, just a scrambled egg mixed with onion and tomatoes. Pa'no ba naman siya makakapag-luto ng espesyal? Eh, halos wala namang masyadong lutuin sa ref nito, halos iba't-ibang klase ng tsokolate ang naroon, at 'yung mga hilaw na pagkain. Tulad ng iba't-ibang klase ng karne, tsaka 'yung mga frozen food.

A Gangster's Lover: Series Book 9; Gord LyndonWhere stories live. Discover now