KABANATA 10

1.2K 61 2
                                    

Kabanata 10

       "MAY NAISIP KANA BANG lugar ng bundok na aakyatin mo?" tanong ni Brix kay Gord habang nakasakay ito sa kotse niyang hiniram niya sa pinsang si Caleb habang nagmamaneho.

Hindi nga niya alam kung bakit sumabay ito sa kaniya e sa pagkakaalam niya ay may sarili naman itong kotse. Hindi naman niya magawang itaboy dahil ngayon lang niya naisip habang nagmamaneho na siya kasama ito.

"Hmm." hindi makapag-salita si Gord. Naghahagilap pa siya sa isip ng maaring sabihin, dahil una; wala naman talaga siyang balak umakyat ng bundok. Napilitan lang siya dahil kay Brix, lalo't alam niyang wala itong kasama sa pag-akyat ng bundok. At baka kung mapano ito, kaya ayun. Nagpadala siya sa kaniyang mga what-if, that's why na cancel niya ang mga meeting na dapat niyang puntahan para lang samahan ito.

Isang tanong lang ang pumapasok sa isipan ni Gord. 'Bakit?' bakit nga ba? Kasi wala siyang makitang malinaw na dahilan kung bakit siya nag-aalala at kung bakit siya sumama.

Ayaw niyang aminin sa sarili ang mga posibleng nagaganap na sa kaniya. Iniisip niya baka nagkakamali lang siya, kaya hanggat maari, titigilan na niya ang pag-iisip ng kung ano-ano.

"Gord, hello? Narinig mo ba ako?" anito dahilan para mapukaw ang kaniyang wisyo sa pag-iisip.

"Ah, of course, sorry. I indeed have a nice place where you can climb a mountain, 'yun sana ang balak kong puntahan, but i guess, Caleb was right. Let's just stick to each other, so we can both accompany each other." pagpapalusot niya.

Brix seems didn't care at all. Okay lang naman sa kaniya na makasama si Gord, tutal wala na rin naman itong masasakyan kung sakaling ipagtatabuyan niya ito at kung magrequest itong ihatid niya ito, hinding-hindi niya iyon gagawin.

Kaya ayos na rin naman ito. Ayos na rin na kasama niya si Gord, para kapag may insedente nga tulad ng sabi ni Caleb ay may kasama siyang tutulong.

Mahaba-haba din ang biyahe nila. Kailangan pang tumuntong ng barko ng kanilang sasakyan, tawid dagat, ika nga. At pagkatapos niyon, mahaba-habang baybayin na naman bago nila marating ang bundok na aakyatin nilang dalawa.

Ilang oras pa, bago sila tumuntong sa barko. Nasa gitna silang dalawa ni Gord, sa VIP room.

Naka-upo silang dalawa ni Gord sa malambot na kutson ng upuan dito ng magsimula ng umandar ang barko.

Maya-maya pa nakaramdam ng gutom si Brix. Rinig na rinig niya ang pag-iingay ng kaniyang sikmura. Sa lakas niyon ay batid niyang narinig iyon ni Gord, lalo't pagkatapos ng pagrereklamo ng kaniyang tiyan ay tumungin din sa kaniya si Gord matapos ay mahinang tumawa.

"Gutom ka?" tanong nito.

Mabilis naman siyang tumango.

At dahil bilang isang VIP passenger ng barko, libre din ang serbisyo sa kanila. Malaki din naman kasi talaga ang binayaran nila.

Kaya inatasan niya ang stuff ng barko na magdala ng pagkain para sa kanilang dalawa according sa mga pagkain na natipuhan nilang dalawa. Ilang minuto ang lumipas dumating na ang pagkain, sure he needed to pay for the food.

Nagsimula na ang dalawang kumain.

Maagang nagsawa si Brix sa pagkain, lalo't nasanay siya sa masarap na luto ng mga pagkain ni Gord sa kaniya. 'Yung kinakain kasi niya ngayon ay wala pa sa kalingkingan ng mga pagkaing niluluto sa kaniya ni Gord kahit napaka-common at napaka-simple lang niyon.

"I thought you're hungry? Bakit ang kokonti lang ang nakain mo?" ani Gord na napansin ang pag-disgusto niya sa mga pagkain. "Hindi mo gusto?"

"Yes, hindi ko gusto 'yung mga luto nila. Nasanay siguro ako sa mga luto mo, kaya naninibago 'yung dila ko." pag-amin niya.

A Gangster's Lover: Series Book 9; Gord LyndonWhere stories live. Discover now