KABANATA 3

1.3K 80 1
                                    

Kabanata 3

        MATAPOS MAKUHA ni Brix ang kaniyang to-do list ay umalis na siya sa bahay ng lalaki. Nag-handa na siya dahil gabi na nga at maya-maya ay susunduin na rin siya ni Caleb.

Matapos niyang makapag-ligo at makapag-bihis ay umupo siya sa mahabang sofa habang kumakain ng tsokolate at hinihintay ang pagdating ng kaniyang kaibigan.

Hawak-hawak niya ang cell phone ng marinig niyang tumunog iyon. Masayang tiningnan niya ang cell phone at napag-tanto niyang mensahe iyon na nanggaling sa kaniyang kaibigan.

Caleb,

"Labas kana, i'm outside." Pagbasa niya sa natanggap na mensahe.

Mabilis siyang lumabas at sinara ang pinto. Tinahak niya ang daan palabas, ginamit niya ang elevator pababa.

"Nice outfit." bati niya sa kaibigan ng makita niya ito sa parking lot nakasandal sa unahan ng sasakyan.

"Of course, i'm handsome."

Naitirik na lang niya ang kaniyang mga mata at sumakay na siya ng sasakyan. Talagang pinagbuksan pa siya nito ng pinto. Lokong kaibigan talaga niya. Masyadong lumalampas ang pagka-sweet.

Sumakay na rin si Caleb at pinaandar na nito ang sasakyan.

"Am i welcome, Caleb? Sa inuman niyo?" tanong niya kapag-kuwan.

"Don't mababait ang mga kaibigan ko. You'll get to know them later."

"Yeah,." tumango-tango na lang siya.

Maya-maya ay narating din nila ang kanilang paggaganapan ng kasiyahan. Isa itong bahay.

"What is this place? I mean kanino ito?" tanong niya habang sinusuri ang bahay.

"Our gangsters hideouts. Galing sa pera namin ang pagpapagawa sa hideouts na ito. Noong una, maliit lang ito, because it builds when we are just a collage students. Galing sa mga perang ibinibigay ng mga magulang namin ang pagpapagawa sa hideouts na ito, hanggang sa nagkaroon na kami ng maayos na trabaho, kaya ayun nagkaroon ng renovation. Ito na ngayon. Much like hotel room, with twelve bedroom." masayang pagkukwento ng kaniyang kaibigan. Mababasa ang satisfied na ngiti sa mga labi nito. 'Yung ngiting proud sa nagawa nila.

"Twelve bedroom? So it means, twelve gangsters, kayong lahat?"

"Yes, man. We're twelve in total." sagot nito. "Let's go in, they are waiting for us."

Hinawakan niya ang braso ni Caleb dahilan para matigilan ito sa paglakad. "You sure, na wel—"

"Don't worry, sinabi kona sa kanila na kasama kita sa pag-punta dito, no need to feel not welcome, 'cause you're welcome."

Nagpakawala na lang siya ng buntong hininga at binitiwan na niya ang braso ni Caleb. Diretso sila sa loob ng bahay.

Doon sila nag-tungo sa malawak na salas ng bahay. Maganda ang loob. Naka-hang din sa mga pader ang mga litrato ng mga kaibigan nito. May mga wacky pictures, fierce pictures, and their graduation pictures. Nakakatawa itong hideouts na ito. Puno ng mga litrato ng mga kaibigan ng kaibigan niya.

Napakunot siya ng makita ang isang pamilyar na mukha.

Lumapit siya kay Caleb. "Kaibigan mo pala si Gord? Why didn't you tell me?"

"You didn't asked, why did i tell you?"

Nairapan na lang niya si Caleb sa pagiging pilosopo nito. May point din naman ang kaibigan niya. Bakit nga naman nito sasabihin kung hindi naman siya nagtatanong. Yeah, Yeah!

"Hey..?" pukaw ng isang lalaki sa atensyon nilang dalawa. Lahat ng mga naroon, including Gord ay napatingin sa kanilang dalawa ni Caleb.

Pinasadahan siya ng tingin ng mga naroon. He just, gave a wryly smile at them.

A Gangster's Lover: Series Book 9; Gord LyndonWhere stories live. Discover now