KABANATA 44

810 46 1
                                    

Kabanata 44

"Magiging asawa na rin kita soon, Brix Daniel!" sigaw ng dalaga na muntik ni Gord ikabingi.

"Ano? Sino?" kunot noong tanong niya sa pag-aakalang baka mali lamang siya ng narinig.

"Si Brix Daniel, kuya. Bakit?" tanong pabalik ng kapatid na ngayo'y kumunot na rin ang noo.

Namilog ang mga mata ni Gord at bahagyang napaatras sa kaniyang kapatid. Napahawak siya sa sandalan ng bangko upang doon kumuha ng lakas sa makatakas-lakas na mga nalaman.

"Bakit kuya, kilala mo ba siya?" tanong ni Honey.

Mabilis na umiling-iling si Gord taliwas sa katotohanan.

Na-upo siya sa bangko. Hindi siya makapaniwala sa lahat ng kaniyang mga nalaman. Si Brix Daniel? Ang lalaking pakakasalanan ng kaniyang kapatid? Si Brix? Si Brix na ngayo'y mahal na niya?

Fuck! Fuck! Fuck it!

"Can I see his picture?" sambit ni Gord kapag-kuwan. Umaasang baka kapangalan lamang iyon ng mahal niya. Baka iba 'yon sa katauhan ng mahal niya.

"Here.." inabot sa kaniya ng kapatid ang cell phone nito kung saan naroon full-screen ang mukha ng binatang pakakasalan ng kapatid.

Lahat ng katiting niyang pag-asa ay mabilis na wala. Tila nanghina ang kaniyang katawan at tinakasan ng lakas. Malinaw na malinaw sa litratong ang binatang pakakasalan ni Honey ay walang iba kundi ang binatang mahal niya.

Fuck! What a small world? Fuck this!

"Ang g'wapo niya, kuya, 'di ba?"

Pilit na napangiti na lamang si Gord upang sumang-ayon.

He can't pick himself up. There's lot of questions filling his mind, it making his head ache.

"I-I think I have to go. I have to do something important. Gotta go, see you." mabilis tumayo si Gord at malalaki ang hakbang palayo sa kapatid.

"Don't forget to come to my wedding day. I'm going to marry him!" pahabol na sigaw pa ng kaniyang kapatid na hindi na niya nagawa pang lingonin.

Diretso niyang tinahak ang kaniyang kotse at agad pinaandar matapos makasakay. Mahigpit ang hawak niya sa manubela ng sasakyan, walang laman ang isip kundi ang lalaking pakakasalan ng kaniyang kapatid na lalaking mahal na mahal niya.

Ano ang gagawin niya? Ano ang kailangan niyang gawin? Fight or Forget? Ohhhh, man!

Busangot ang mukha ni Brix na naka-upo sa sofa habang nanonood ng palabas sa T.V na hindi naman niya magawang intindihin. Pa'no ba naman niya maiintindihan? Naka-focus ang kaniyang sarili sa nakabukas na pinto ng condo niya. Pinanatili niya itong bukas dahil gusto niyang makita kung dumating na ba si Gord dahil kanina pa ito wala sa loob ng condo nito. Gusto lang niyang malaman kung naka-uwi na ba ito?

'Yun nga lang ba ang gusto niya? O higit pa roon? O na mi-miss niya lang ang binata?

Napairap na lamang siya sa kawalan at pinatay na ang T.V, since natapos na rin naman na wala man lang siyang naintindihan. Ilang oras na rin siyang naka-upo, nangangawit na ang pang-upo niya sa tinagal niyang naka-upo doon.

Tumayo na siya at tinahak ang pinto. Inisang tingin muna niya ang katapat na condo. He rolled his eyes feeling annoyed. Pabalag niyang sinara ang pinto at nag-tungo na para maligo. Para rin mabawas-bawasan ang init ng ulo niya.

Siyempre naman, iniisip niyang kaya hindi pa umuuwi si Gord sa condo nito ay baka-siguradong nag-tungo na 'yon sa "Honey" nito. Baka nga-siguro nga, doon na 'yon magpalipas ng gabi. Malay ba niya, baka kung ano na ang ginagawa ng dalawa doon.

A Gangster's Lover: Series Book 9; Gord LyndonWhere stories live. Discover now