KABANATA 5

1.4K 67 2
                                    

Kabanata 5

       OKUPADO ANG ISIP NI Brix habang nasa loob siya ng sasakyan ni Gord. Kanina pa binabagabag ang kaniyang isipan sa mga nakita niya kanina. Ang pagkalalaki ni Gord na nasilayan niya kanina.

Actually, there's no big deal at all. Pareho naman silang lalaki, pero bakit kakaiba 'yung pakiramdam niya? Like, shit! Is he tempted? Fuck! Hell no.

Mabilis iwinaksi ni Brix ang mga isipin niya. Isinandal niya ang kaniyang ulo sa bintana ng sasakyan at walang ibang ginawa kundi ang ipahinga ang utak niya sa pag-iisip. Ipinagsawalang bahala kung anoman ang kaniyang nakita.

Hindi na niya namalayan na nakarating na pala sila. Kung hindi pa bulabugin ng boses ni Gord ang isip niya ay hindi pa siya babalik sa sariling wisyo.

Napatingin pa siya kay Gord pagkatapos ay nilingos-lingos ang labas. Doon niya napagtantong nasa labas na pala siya ng building ng condo nila.

Bumaba na siya at bumaba na rin ito.

Aalis na sana si Brix ng may maalala siyang sabihin. Nilingon niya si Gord at hinarap ito. Huminga siya ng malalim.

"About doon sa nangyare kanina. I'm sorry, hindi ko sinasadyang nahila ko 'yung bath towel mo—"

"It's okay, it's not big deal for me, don't worry about it. Pareho naman tayong lalaki. Unless, big deal sa'yo."

Mabilis namang umiling si Brix. Bakit naman magiging big deal sa kaniya 'yun? Nabahala lang naman siya na baka kung ano-anong isipin ni Gord sa aksidente niyang nagawa.

"Definitely not big deal. Okay, gotta go." tumalikod na siya at nagsimula ng pumasok sa loob.

Matapos makapasok ni Brix sa loob ng condo unit niya, mabilis niyang hinubad lahat ng saplot sa kaniyang katawan. Pumasok siya sa bathroom at doon ay naligo.

Binabad niya ang sarili sa bath tub ng mga ilang minuto, hanggang sa tuluyan na niyang tinapos ang kaniyang pagliligo.

Matapos makapagpalit ng pambahay niyang damit, ay agad siyang sumalampak sa kaniyang kama. Inilabas niya ang telepono niya upang mag-search online, ng lugar na may mountain climbing na aktibidad. 'Yun kasi ang nasa una niyang to-do list, lalo pa't matagal na rin niyang gustong subukan iyon. At marami pang iba siyang mga balak subukan.

Dahil nakaramdam siya ng gutom, mabilis siyang pumunta sa ref, dahil hindi rin naman siya marunong mag-luto at hindi parin naman dumarating ang pinsan niyang si Caleb upang ipagluto siya, kaya obligado niya ang sariling kainin ang mga tsokolate sa ref. Isa pa, tinatamad na rin naman siyang lumabas upang bumili.

Dala-dala ni Brix ang tsokolate hanggang sa muli siyang sumalampak sa kama, pa-upo siyang naroon habang nakasandal ang kaniyang ulo sa headboard ng kama.

He looked amazed when he saw the beautiful scenery na nakikita niya sa internet. Mga bundok na magagandang akyatin.

Maraming bundok ang naka-pukaw sa kaniyang paningin. Halos lahat gusto niyang akyatin, pero gagawin lang niya 'yon isang beses. Kaya talagang pinagpipilian niya kung saan magandang pumunta.

At sa wakas, mayroon naring pumukaw pang lalo sa kaniyang atensyon. At iyon ang balak niyang puntahan. Malayo nga lang sa kinaroroonan niya ngayon. Kailangan pa niyang sumakay ng barko o 'di kaya naman ng eroplano upang mas mabilis siyang makarating.

Tamang-tama, may eroplano ang kaibigan niyang si Caleb, baka p'wede niya itong mahirap sa binata o 'di kaya naman kapag hindi ito nagpahiram ay hihingi na lang siya ng pera dito pamasahe. Dahil medyo, manipis na rin ang wallet niya. Iilang gastusan na lang niya ito.

Pasalamat na lang talaga siya na may pinsan siyang tulad ni Caleb.

Napukaw ang atensyon ni Brix ng marinig niyang may kumatok sa labas ng kaniyang pinto. Napakunot naman ang kaniyang noo. Isa lang namang tao ang expected niyang kumatok sa pinto. Walang iba kundi ang pinsan niya. Baka narito na ito upang dalhan siya ng pagkain.

A Gangster's Lover: Series Book 9; Gord LyndonWhere stories live. Discover now