KABANATA 19

1.2K 66 5
                                    

Kabanata 19

          PAPAHIGA NA si Brix sa kama galing sa kaniyang pagligo at pagbihis ng tanging brief lang na tumatakip sa kaniyang kaselanan ng kaniyang marinig ang pagtutunog ng kaniyang telepono.

Sinagot niya ang tawag ng mapag-alaman niyang ang tumawag ay walang iba kundi ang kaibigan/Pinsan niyang si Caleb.

"Hmm?" bungad niyang ganiyan.

"Kamusta ang lakad mo? Any progress?" tanong ni Caleb. Nang sabihin nitong 'any progress' ay may laman iyon. Halatang may ine-expect ito.

"Any progress?" ulit niya sa sinabi nito ng hindi niya maintindihan ang tinuran ng pinsan.

"About sa inyong dalawa ni Gord.. may kakaiba bang nangyare? May dapat ba akong malaman?"

Napalunok si Brix at nakagat niya ang pang-ibabang labi. Ilang minuto siyang hindi nakapag-salita ng pumasok sa kaniyang isip 'yung mga nangyare sa kanilang dalawa ni Gord. 'Yung sex at 'yung pag-amin nito sa kaniya na gusto raw siya nito.

Tungkol doon ay hindi parin alam ni Brix kung anong isasagot niya. Siguro sa puntong ito, in-denial pa siya sa nararamdaman kahit obvious naman na gusto rin niya si Gord.

Ang mahirap nga lang, kung sasabihin niyang gusto din niya si Gord. Magkakaroon silang dalawa ng relasyon. Unang-una hindi ganito ang relasyong gusto niya. Lalaki siya at naniniwalang ang lalaki ay para lamang sa babae.

"Looks like may progress nga. Tama talaga ako ng desisyon." ani Caleb na pumukol sa kaniya sa pag-iisip.

"Tama ng desisyon na ano?"

Tumawa ang kaniyang kausap sa kabilang linya as if may nakakatawa sa pinag-uusapan nilang dalawa.

"Just forget what i say. Goodnight. Bye."

Napatingin na lang si Brix sa screen ng cell phone niya ng marinig niyang namatay na ang tawag. Mas lalong kumunot ang noo niya.

Ano raw?

Gayunman ay itinabi na lang ni Brix ang cell phone sa bedside table at ginawa niyang unan ang pinagpatong niyang mga palad.

Nagliliwaliw—naglalakbay sa kawalan ang isip ni Brix habang nakatingin sa kisame ng marinig niya ang ilang beses na pagkalabog ng kaniyang pinto.

Sino naman ang kakatok, gayong malalim na ang gabi?

Kargo pa ni Brix ang kaniyang sariling tumayo at magtungo sa harap ng pinto. Sinilip muna niya kung sino ang nasa labas. Napagtanto niyang iyon ay walang iba kundi si Gord.

Sa puntong iyon, hindi alam ni Brix kung bakit bigla-bigla ay humulmang ngiti ang kaniyang mga labi. Parang na-excite lahat ng mga cells sa katawan niya.

Binuksan niya ang pinto, without knowing na naka-brief lang siya dahil nga patulog na siya. Well, isa ito sa pagkatao ni Brix. Hindi siya nakakaramdam ng hiya kahit ganito lang ang suot niya, doon palang siya makakaramdam ng hiya kapag-hubo't hubad na siya.

Parang tanga lang si Brix, e, ano?

Sa kabilang dako. Bahagyang nagulat si Gord sa nakita niyang suot lang ng binata sa harapan niya. Hapit na brief lang ang suot nito at wala ng iba. Hindi tuloy mapigilan ni Gord ang sariling ma-turn-on sa mga nakikita niya. Hindi niya mapigilan ang pagkalalaki niya na animo'y nagsisimula ng mabuhay.

Iniwas niya ang tingin dito bago pa man niya hindi mapigilan ang sarili, bago pa siya mawala sa sariling katinuan.

"I brought some beers and snacks. Want to drink with me?"

Ngumiti naman si Brix na umaktong nag-iisip. Kahit hindi rin naman siya mag-isip ay alam niya sa sariling papayag siya sa gusto ni Gord. Sino nga ba naman ang hindi? E, lahat na yata ng parte ng katawan ni Zero ay iisang tao lang ang sinisigaw. Walang iba kundi si Gord.

A Gangster's Lover: Series Book 9; Gord LyndonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon