KABANATA 33

1K 46 1
                                    

Kabanata 33

         ABALA SI Brix sa pag-iimpake ng kaniyang mga dadalhin para sa kaniyang pag-alis. You know, another adventure to come. Kailangan niyang maging well prepared. Tutupdin na kasi niya bukas ang nakatakda niyang tupdin. Excited na siyang sumakay ng yate ng kaniyang pinsang si Caleb. Pahihiramin kaya siya ng pinsan? S'yempre naman, ang lakas kaya niya sa pinsan niya. Siguradong pahihiramin siya nito anoman ang mangyare.

Unat dito, unat doon. Iyon ang kaniyang ginawa ng maramdamang bahagyang sumakit ang kaniyang likod. Sign of aging.

"Mga damit, chocolates.." akmang nag-iisip si Brix. "Ano pa ba ang dadalhin ko?" tanong pa niyang ganiyan sa kaniyang sarili.

Ano pa nga ba ang kaniyang mga dadalhin bukod sa mga damit at chocolates? Ano pa nga ba? "Tent!" pasigaw pa niyang ganiyan ng maisip ang iba pang dadalhin.

Tent, because after niyang mag-enjoy sa pagsakay ng yacht, dadaong naman siya sa isang isla upang ganapin ang camping sa tabing dagat. Magtatayo siya doon ng tent tapos doon siya matutulog.

"God! So exciting." Brix was so excited without knowing he feared darkness. Basta't excited siya, nakakalimutan na niya ang ibang mga bagay. Naka-tuon lang ang kaniyang atensyon sa bagay na kinapapanabikan niyang gawin.

"Ano pa bang kulang?" tanong niya sa sarili habang bahagyang kinakamot ang batok. "Wala na siguro.."

Matapos, inilabas ni Brix ang kaniyang cell phone upang tawagan si Caleb. Well-prepared na siya pero wala pa siyang masasakyan, wala pa siyang pagpayag sa kaniyang kaibigan. Great, so great.

Maka-ilang pagtunog bago sumagot ang kaibigang si Caleb sa kabilang linya.

"What?" tanong agad nito.

"I'm just.. you know going to adventure."

"And..?" sa boses ni Caleb ay mukhang nanunuri iyon. Mukhang alam na nito na kaya siya tumawag ay may kailangan siya dito.

"Gusto ko kasing makasakay ng yate. Tas, travel-travel gano'n. P'wede kobang mahiram 'yung yate mo? Tsaka driver na din pala. 'Di nga pala ako marunong mag-drive." ani Brix na may pakamot pa sa kaniyang batok. Animo'y nahihiya sa kaniyang tinuran.

Sinasabi na nga ba 'e. Kanina pa nasa isip ni Caleb na kaya tumawag ang pinsang si Brix ay may kailangan ito sa kaniya. Bakit pa nga ba siya mag-e-expect ng iba? Simula ng makilala niya ang pinsan, kilalang-kilala na niya ito.

"Yate.. hihiramin mo..?" napa-isip tuloy si Caleb. Sasang-ayon na sana siya sa gusto ng kaniyang kaibigan ngunit napagtanto niyang ang yate ay naupahan na sa kaniya ni Gord.

Sumilip ang makabuluhang ngiti sa mga labi ni Caleb. Sa itsura'y talagang alam na alam na may binabalak ito.

"I'm sorry, bud. Naupahan na kasi ang yate ko 'e."

Bagsak ang balikat ni Brix ng kaniyang marinig ang sinabi nito. "Wala kana bang iba pang ipahihiram? pamimilit pa niya.

"Wala na 'e, pero p'wede ka namang makisabay." sambit pa ni Caleb na umiiral na ang mga pumasok na plano sa kaniyang isip.

"Kanino naman ako sasabay?" kunot na naman ang noo ni Brix. Sino ba naman ang hindi kukunot, kung hindi maintindihan ang winika?

Caleb just smiled on the other side. "Well, well..," his smile wide even more.

Doon napagtanto ni Caleb kung bakit inarkila ng kaniyang kaibigang si Gord ang yate. Ito ba ang dahilan? As far as Caleb know, hindi mahilig sa travel or even adventure ang kaniyang kaibigang si Gord. Kundi sa mga restaurant nito'y nasa loob lamang ito ng kaniyang condo, kaya't kay hirap para sa kaniya na bigla-bigla na lang itong aarlila ng yate dahil lamang sa dahilang gustong mag-travel?

A Gangster's Lover: Series Book 9; Gord LyndonWhere stories live. Discover now