KABANATA 8

1.2K 63 1
                                    

Kabanata 8

         NAPAGTANTO NI GORD NA ang naamoy niyang putok sa kaniyang mga daliri ay dahil sa paghawak niya sa sibuyas kanina. Ganun talaga ang amoy ng sibuyas, habang tumatagal nagbibigay ito ng masangsang na amoy na tulad ng amoy putok.

Hindi nga pala siya nakapag-hugas ng kamay, masyado siyang na-excite kumain sa hindi niya malamang dahilan. Well, tinidor at kutsara naman ang kaniyang gamit, still he forgot to wash his hands. Napagkamalan tuloy ni Brix na kung ikinuskos daw ba niya ang kaniyang kamay sa kaniyang kalikili kaya nangamoy ang kaniyang mga daliri.

"It's not my armpit, i just forgot to wash my hands, naggayat kasi ako ng sibuyas kanina. Kaya heto't dumikit sa kamay ko 'yung amoy."

Kunot lang ang noo ni Brix at mukhang hindi na niniwala sa iminungkahi ng kaniyang kausap. Sa kaniyang isip-isip, 'pa'no naman mangangamoy putok ang sibuya?'

Bakas sa mukha ni Brix na hindi siya naniniwala. Wala namang ganong amoy ang sibuyas sa paniniwala niya. May putok nga ka nga, aminin mona. sambit pa niya sa kaniyang isip.

"I don't believe you, Gord. Pa'no naman magkakaroon ng amoy putok 'yung sibuyas? Alam kong nahihiya ka lang, pero minsan sana put deodorant bago ka magluto, ha? Para 'di ka nangangamoy putok."

Hindi intensyon ni Brix na mangutya o mangasar. Ang intensyon niya ay ang magbigay ng payo upang sa susunod na mga araw hindi na niya po-problemahin ang amoy nito.

Sa kabilang banda, naitirik ni Gord ang kaniyang mga mata sa hangin. "I told you, that was not me. It's onion scent." he defended himself.

But Birx didn't buy it. There's only one thing to prove his accusation.

Kinuha niya ang damit ni Gord na nakasampay sa kaniyang bangko at mabilis niyang tila asong inamoy-amoy ang damit ni Gord sa bandang kilikili.

Ngunit bigo siyang maamoy ang amoy na gusto niyang maamoy. Sa halip, isang mabango at nakakaakit na amoy ng pabango nito sa damit na talagang kapit na kapit. Pakiramdam nga niya'y kahit hiniwalay na niya ang ilong niya sa damit nito ay naamoy parin niya ito. Mukhang dumikit na sa kaniya ang mabangong amoy ng damit ng binata.

Kung hindi ang damit nito ang nangangamoy, he need to prove his accusation, still got another plan.

Makahulugang binalingan niya si Gord na kanina pa pala nakatitig at hindi makapaniwala sa kaniyang ginagawa.

Kahit labag man sa kaniyang isip na muling maamoy ang amoy putok ay upang makumpirmang tama ang kaniyang paratang na si Gord ang nangangamoy ay agad niyang tinaas ang kilikili nito matapos niyang makalapit.

Sininghot-singhot niyang parang aso ang kilikili ng binata. Ngunit sa huli, hindi niya naamoy ang amoy putok na pinaghihinalaan niyang nagmumula sa kilikili ni Gord, lalo't punong-puno ng mabangong amoy ang kilikili nito. Nakakadarang at nakapag-bibigay sa kaniya ng pang-aakit ang amoy niyon.

Naikunot niya ang noo ng masigurong hindi sa kilikili nito nagmumula ang amoy. Pero meron pa itong isang kilikili na hindi niya rin pa naamoy.

May mga ganun naman 'di ba? Minsan isang kilikili lang ang may amoy, much worst both of their armpit ang magkaroon. Mas lalong delikado sa ilong. Tch.

Kaya upang muli makumpirma ni Brix ang kaniyang hinala na may amoy ang kilikili ni Gord ay nagtungo siya sa kabilang balikat nito at doon ay agad niyang inamoy ang kilikili nito.

Mas inilapat pa niya ang kaniyang ilong sa kilikili ng binata upang masigurong hindi nga nagkakamali ang kaniyang pang-amoy.

Pero walang bakas ng amoy putok sa kilikili ni Gord. Wala siyang naamoy kahit ni katiting, kaya napagtanto niyang hindi galing sa kilikili ang naamoy niya kanina sa daliri nito.

A Gangster's Lover: Series Book 9; Gord LyndonWhere stories live. Discover now