KABANATA 40

963 51 1
                                    

Kabanata 40

          WHO'S THAT FUCKING honey? 'Yan ang tanong na paulit-ulit kumakatok sa isipan ni Brix. Simula ng makita niya iyong tumawag sa cell phone ng binatang si Gord ay hindi na maalis sa kaniyang isipan kung sino nga ba talaga ang nasa likod ng pangalang honey?

Is She/He a someone important to Gord's life? Is She/He Gord's lover? Kung magkagayon. Pa'no na siya? Pa'no siya kung may iba na ito?

Or he's just over-thinking?

Sa puntong 'yon, hindi na alam ni Brix kung ano ang kaniyang iisipin. Hindi siya mapalagay, ngunit sino nga ba naman siya sa posisyon para mag-tanong?

Kung tutuusin nga'y wala namang namamagitan sa kanilang dalawa ni Gord. Oo nga't umamin itong gusto siya nito. Umamin itong gusto siya nitong pakasalan, pero hindi ibig sabihin no'n ay may relasyon na silang dalawa. Malabo pa yata sa putik ang lagay ng kanilang pagsasama.

Hindi tuloy niya maiwasang tanungin ang sarili.

Ano nga ba siya kay Gord? Someone special or just someone to played?

"Hey, Brix," nabaling ni Brix ang atensyon sa nagsalita, "are you okay? You seems.. not fine." pagpukaw ni Gord sa atensyon ng binata ng kaniyang mapansing malalim ang bumubuntong hininga nitong pag-iisip.

Inangat ni Brix ang kaniyang ulo at itinuon ang tingin sa binatang nagsalita mula sa kaniyang malalim na pagninilay..

Base sa bukas ng kaniyang mukha. Nasa dalawang pagitan ang kaniyang isip. Itatanong ba niya ang tungkol doon sa honey na tumawag sa cell phone nito, upang mabigyan ng linaw ang kaniyang mga katanungan.

Pasimpleng ngumiti ang kaniyang mga labi. "Don't worry.. i'm okay. Nothing to worry about."

Sa huli, mas pinili na lamang niyang manahimik at 'wag na lang niyang itanong.

Gayonman, ni katiting na pagniniwala ay hindi ibinigay ni Gord kay Brix. Alam niyang hindi ito "okay" pero hindi na lamang niya inusisa. Ramdam din naman kasi niyang walang balak itong pag-usapan kung anoman ang nasa loob-loob nito.

Pansin ni Gord na nagsimulang magka-ganito si Brix kanina pang umaga. Gusto nga niyang tanungin ngunit inabot siya ng hiya. Ngayong nagkaroon naman siya ng pagkakataon, hindi naman nito sinagot..

Nag-aalala tuloy siya kung anong problema nito. Kung siya ba o may iba pa?

"Brix.." pagtawag ni Gord sa binata at t'saka niya inilatag sa harapan nito ang naka-buka niyang kamay.

Kunot noo naman si Brix na nakatingin doon. Confused.. giving him what will I do with your hand look.

"What's that for?"

"Come-on, tumayo ka. Ipagluluto kita." nakangiting sambit ni Gord.

Ilang segundo pang pinakatitigan ni Brix ang kamay na 'yon ni Gord, bago niya tuluyang pinagsalikop ang kanilang mga palad. 'Yung palad na palagi niyang nararamdaman ang sarap sa pakiramdam sa tuwing magkasalikop ang mga 'yon.

Kung sinoman 'yung "honey" na 'yon. Wala na siyang pakialam doon. Basta ba'y maligaya siya sa piling ni Gord, handa na siyang balewalain ang mga nakapalibot sa kaniya.

Isa pa, minsan lang naman 'to. Bukas-bukas mawawala na rin sa kaniyang piling si Gord. Bakit hindi pa niya sulitin habang kasama pa niya ito? Hindi ba?

Tama! Iyon na lang siguro ang gagawin niya.

Nakangiting tinanggap ni Brix ang nakalahad na kamay ni Gord sa kaniyang harapan at doo'y tumayo sa kaniyang pagkaka-upo.

A Gangster's Lover: Series Book 9; Gord LyndonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon