KABANATA 48

871 49 4
                                    

KABANATA 48

          "ALL YOU NEED TO DO is be careful, kung gusto mo pang tumagal ang kalayaan mo." payo ni Caleb kay Brix na kausap niya sa telepono.

"I will. Thank you, Caleb." pagpapasalamat niya sa binata na pinagk'wentuhan niya ng nangyare sa kaniya. Matapos nga ng pag-uusap ay nagpaalam na sila sa isa't-isa at doo'y pinatay na ang tawag.

Naipikit ni Brix ang kaniyang mga mata at nagpakawala ng isang malakas na buntong hininga. Nagpatianod ang kaniyang katawan sa malambot na kama.

I can't believe this! naibulalas ng kaniyang isip nang maalala niyang muli ang mga nangyare. Hindi siya makapaniwalang talagang gagamit ng dahas ang kaniyang mga magulang mapa-uwi lamang siya.

Hindi ba nila naiintindihan? Ayaw ni Brix magpakasal, ayaw niyang matali sa isang relasyong nangyare lamang dahil sa pagkakasunduan. Hindi ito ang gusto niya.

Why can't his parents spare him? Talaga bang mas importante sa mga ito ang kayamanan kaysa sa kaligayahan ng kanilang anak?

Fuck! Fuck!

Naikuyom niya ang kamao at frustrated na sinuntok ang headboard ng kamang kinahihigaan.

Nagdulot iyon ng kirot ngunit hindi niya iyon ininda. Mas masakit ang isiping mas mahal ng kaniyang mga magulang ang materyal na bagay kaysa sa kaniya. 

Why did it turned out like this?

Napukaw ang kaniyang pag-iisip ng marinig niya ang ilang malalakas na katok sa labas ng pinto ng condo niya. Takadong bumangon siya't tinahak ang pinto. Agad sinilip ang taong nasa labas.

Nakahinga lamang siya ng malalim ng malaman niya ang tao sa labas. Maluwang niyang binuksan ang pinto.

"Are you okay? Did they hurt you?" nag-aalalang tanong ni Gord sa kaniya habang sinusuri nito ang kabuuhan niya.

Kumunot ang noo niya.

"Alam kona lahat. Sinabi na sa'kin ni Caleb ang nangyare." sansala nito sa kaniyang mga iniisip. "So, did they hurt you?" tutok at matiim ang mga titig nito sa kaniya.

Umiling siya bilang sagot at doo'y nakita niyang nakahinga na ito ng malalim.

"It's my fault! Hindi kita dapat iniwan."

Naramdaman niyang hinawakan ni Gord ang kaniyang kamay at hinila siya nito palabas ng kaniyang condo.

"What—"

"Just come with me.." his voice was serious, kaya hindi na niya nagawang umangal at nagpatianod na lang sa binata.

Binuksan ni Gord ang pinto ng condo nito at matapos nilang makapasok ay t'saka nito sinara.

"From now on, you'll going to stay with me.. i can protect you."

Hindi niya alam kung anong sasabihin. Ano ang kaniyang isasagot. Should he say, yes?

"I don't want to bother you, Gord. I can protect myself—"

"Kailanman hindi ka naging abala sa'kin, Brix." Gord said in a serious tone. He looked directly in his eyes, like he was reading and analyzing every emotion swirl in his eyes.

Napalunok si Brix dahil sa mga narinig. Ramdam niyang animo'y hinaplos ang kaniyang dibdib.

Naramdaman pa niyang sinapo ni Gord ang kaniyang pisngi. Iniiwasan niya ang sariling huwag mapapikit sa tindi ng dala ng init ng sensasyon ng haplos niyon.

"Brix, you're going to stay with me and let me protect you.." seryoso ang mga katagang binitawan nito habang ang mga mata'y ganoon din.

Muli, napalunok si Brix habang nakatitig kay Gord. Wala sa sariling napa-tango-tango na lamang siya bilang sagot. At doo'y nakita niya ang maliit na humulmang ngiti sa mga labi ng binata.

A Gangster's Lover: Series Book 9; Gord LyndonWhere stories live. Discover now